Aktres takot kalasan ang BF kahit nasasakal
Iniisip ng aktres na kumalas sa kanyang boyfriend dahil nasasakal na siya sa sobrang pagmamahal ng mhin.
Nahihirapan ang aktres na makipaghiwalay dahil mahal pa rin niya ang boyfriend. At the same time, afraid siya na makipag-break dahil baka hindi ito matanggap ng lalake na capable na maghiganti. Maghiganti raw o!
‘Yan ang napapala ng mga babae na hindi nag-iisip bago pumasok sa isang relasyon at parang mauubusan ng boyfriend.
‘Na-charm ako ni Mutya’
Favorite ko na si Mutya Orquia, ang child star na bida sa Mutya. Gandang-ganda ako sa mata ni Mutya kapag pinapanood ko ang kanyang teleserye at siyempre, mahusay siyang umarte.
Si Alfred Vargas ang talagang dahilan kaya pinanonood ko ang Mutya dahil bilang manager niya, gusto kong makita ang kanyang performance sa primetime show ng ABS-CBN.
Nang tumagal, na-charm na ako ni Mutya dahil sa kanyang husay at magandang face. Hindi ako magtataka kung magtagal sa showbiz si Mutya dahil sa kanyang karisma.
Negosyanteng foreigner nag-iisip mag-produce ng concert
Manonood ng Party Pilipinas sa Linggo ang aking friend na si Pinky Tobiano at ang kanyang mga kaibigan na foreigner na interesado na makita sa personal ang mga Pinoy na artista.
Matagal na mamamalagi sa Pilipinas ang mga kaibigan ni Pinky dahil sa negosyo na kanilang itinayo sa ating bansa.
Mahilig sa showbiz ang mga foreigner kaya hindi ako magugulat kung maisipan din nila na mag-produce ng mga concert. Gustung-gusto nila ang ating bansa, itsurang wala pa silang isang taon na naninirahan sa Makati. Napatunayan ng friends ni Pinky na hindi totoo ang lahat ng nega news na nakakarating sa ibang bansa.
Nadine, palaban sa halikan
Bida kontrabida ang role ni Nadine Samonte sa My Lover, My Wife dahil siya ang kontrabida sa buhay ng mga papel na gagampanan nina Maxene Magalona at Marco Alcaraz.
Huling nagbida si Nadine sa Tinik sa Dibdib dahil siya ang ipinalit kay Sunshine Dizon nang magkaroon ito ng mga personal na problema.
Palaban si Nadine sa mga eksena niya sa My Lover, My Wife dahil pumayag siya na makipaghalikan kay Marco. Iniintriga si Nadine na baka pagselosan ng kanyang boyfriend ang matinding eksena nila ni Marco. Walang dapat ipagselos ang dyowa ni Nadine dahil trabaho lang ang ginawa ng kanyang girlfriend.
Moral ang original title ng My Lover, My Wife at ito ang pansamantala na ipinalit sa Sisid habang hindi pa tapos ang diving lesson ni Jackie Rice.
Mapapanood ang My Lover, My Wife hanggang May at kapag natapos ito, ang Sisid ang magiging kahalili.
Matagal na hindi napanood sa isang drama series si Maxene kaya na-miss nito ang pag-arte. Nang mawala si Maxene sa Tweetbiz, saka dumating ang offer na magbida siya sa My Lover, My Wife.
- Latest