^

PSN Showbiz

Kahit gustong lumipat sa iba, Gabby nakatali sa Kapamilya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Parang walang alam si DJ Durano tungkol sa intriga sa pagitan ng manager ni Eula Valdez at ng manager niyang si Wenn Deramas - ang kanyang mentor at direktor ng Who’s That Girl?, ang pelikula ng Viva Films na showing sa mga sinehan sa March 2.

Nagtaka pa raw si DJ nang tanungin siya ng mga reporter tungkol sa isyu na tumanggi ang manager ni Eula na makapareha siya ng aktres sa remake ng Mula sa Puso at ikinagalit ito ni Wenn.

Ang sey ni DJ, walang problema sa kanila ni Eula, nag-usap na sila at tuloy ang pagtatambal nila sa TV.

Ikinuwento pa ni DJ na si Eula ang gaganap sa kontrabida role na pinasikat noon ni Princess Punzalan at kasama rin sa project sina Gabby Concepcion at Dawn Zulueta.

Pero iba raw ang explanation ni DJ sa kuwento ni Wenn dahil nagsalita ito na may nagbawal sa kanya na pag-usapan pa ang isyu.

May tsismis na lilipat si Gabby Concepcion sa TV5  pero malabo itong mangyari kung totoo ang kuwento ni DJ na kasali si Gabby sa Mula sa Puso.

Narinig ko noon ang balita na nagpaparamdam si Gabby sa mga rival network ng ABS-CBN.

May mga nagsasabi na hindi pa tapos ang contract ni Gabby sa Kapamil­ya network. Therefore, hindi siya makakalipat sa ibang TV station. Talent din si Gabby ng Star Magic na sister company ng ABS-CBN kaya hindi raw madali na makapag-ober da bakod siya sa TV5 o GMA 7.

Danica buntis na uli

Buntis uli si Danica Sotto sa pangalawang anak nila ni Marc Pingris. Kung si Dina Bonnevie ang tatanungin, babae ang type niya na maging pangalawang apo dahil lalake ang panganay ng mag-asawang Marc at Danica.

Excited na rin si Dina na magkaroon ng apo mula kina Oyo at Kristine Hermosa pero matatagalan pa ito dahil hindi madaling mabuntis ang kanyang magandang manugang.

Balik-pelikula si Dina dahil mapapanood siya sa Who’s That Girl? ang pelikula ni Anne Curtis na muntik nang maging manugang niya. Si Anne ang isa sa mga pinakamatagal na naging girlfriend ni Oyo.

Dating mag-asawang Dennis at Marjorie hindi nag-uusap!

Hindi pala nag-uusap ang ex-couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Kapag hinihiram ni Dennis ang kanyang mga anak, sa labas sila nagkikita. Ang yaya ng mga bata at hindi raw si Marjorie ang kanyang kinakausap kapag gusto niya na magkasama sila ng mga bata.

May kanya-kanya nang buhay sina Dennis at Marjorie. Madalas na nakikita na magkasama si Dennis at ang kanyang girlfriend na malaki ang pagkakahawig kay Marjorie. Tikom naman ang bibig ni Marjorie sa tuwing tinatanong ito tungkol sa lovelife niya.

Starring din si Dennis sa Who’s That Girl? Umapir si Dennis sa presscon ng pelikula at nang mapansin niya na puro may kinalaman kay Marjorie ang mga question, nag-dialogue si Dennis na “Puwede po ba na tungkol na lang sa pelikula ang pag-usapan natin?”

Request para kay Rodel Naval...

May espesyal na request ang PSN avid reader na si Andre Onido. Fan si Andre ng yumaong singer na si Rodel Naval kaya nagre-request siya na bigyan ng tribute sa mga variety show ang kanyang idol. Ito ang e - mail ni Andre:

“Recently, I was able to listen to a song in Youtube entitled, Lumayo Ka Man Sa Akin, and it was sung by a gorgeous man named Rodel Naval. He had the most beautiful voice I’ve ever heard, and to add up is his great appeal. Sad to say, I’ve learned that he has already passed away, and that was almost 15 years ago (I was 7 years old then).

Can I ask a big favor? I’m not very sure how he died, but his music are so classic that they shall live forever. As such, I want to watch a tribute to this great singer. Fan din ako ng Party Pilipinas, and that show is the best venue to showcase the timeless songs of Mr. Naval.

I hope that you can help me on this matter. Thank you very much. And more power to your column. God speed.”

ANDRE ONIDO

ANNE CURTIS

CAN I

DENNIS

EULA

GABBY CONCEPCION

RODEL NAVAL

THAT GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with