Dingdong ka join sa 'EDSA Baby Ako!
MANILA, Philippines - Matalino, inspirado, puno ng pag-asa: Ito ang mga katangian ng isang “EDSA Baby.” Ang Pilipinas ay nagdiriwang ng 25th year para sa unang EDSA People Power revolution.
Bilang selebrasyon nito, ang EDSA People Power Commission, sa pakikipagtulungan ng YesPinoy Foundation at ang founder nito na si Dingdong Dantes, ay binibigyang-parangal ang tungkulin ng kabataang Pinoy sa paghubog ng kasalukuyan at kinabukasan ng ating bansa.
Ang EDSA Youth Day, na may temang EDSA Baby Ako! ay gaganapin ngayong Miyerkules, Feb. 23.
Tatlong events ang gaganapin sa araw na ito: Isang malaking pagtitipon sa Rizal High School na pinamagatang Pilipinas Got Bukas!, ang EDSA Babies Exposition, at isang gabing tribute sa “young achievers,” ang EDSA Babies na Sikat, Congrats!
Sa umaga, libu-libong kabataan ang mag-iipun-ipon sa oval ng pinakamalaking secondary school sa mundo, upang bumuo ng isang “human banner” na kakatawan ng kanilang paghahanda upang tahakin ang kinabukasan.
Pilipinas Got Bukas ay magaganap sa Rizal High School, Pasig City. Ang Pangulong Benigno S. Aquino, III ay inaasahang dadalo sa nasabing okasyon.
May libreng musical performances mula kina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Jaya.
Tampok din ang mga inspirational talks mula kina Quezon City Mayor Herbert Bautista. Magbibigay din ng message of encouragement ang bombing victim na si Raissa Laurel at Paolo “Bam” Aquino.
Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan kay Elmer Argaño ng Youth Day Events sa 217-6807, 0917-5804545, o sa EDSA People Power Commission secretariat.
- Latest