^

PSN Showbiz

Jericho pasok sa pelikula ni 'Superman'

- Veronica R. Samio -

Hindi ko talaga sukat a­ka­lain, ang singer na ilang ulit ko nang napapanood na tinatalu-talo ng kanyang mga kalaban ay nakalusot din finally to emerge as Star Factor’s grand champ­ion, beating four lovelier but definitely not better singers than her.

Wagi ang babaeng taga-Sampaloc ng isang titulo na pinangarap niya, kasama pa ang P1M at isang kotse o bahay bukod pa sa isang management contract mula sa ABS-CBN. Magsisimula na siyang ma­panood sa darating na Linggo sa ASAP Rocks, ka­sama ang apat niyang mahigpit na nakalaban.

Nakatadhana ang panalong ‘yun kay Angeline Quinto, ni hindi ko nabatid ang tunay niyang panga­lan hanggang sa pagtatapos ng paligsahan. In the past, oo nga’t magaling niyang naitatawid ang kanyang mga kanta, but never kong itinuring siyang pinakamagaling sa lima. Madalas mas magaling ang performance sa kanya ng apat niyang kalaban. Nahuhuli rin siya pagdating sa pagandahan. Katu­nayan, sa isa nilang promo guesting sa Music Uplate Live ay talagang nawala siya sa tono. Ang maganda sa kanya, never mong nabakas sa mukha kung anuman ang kanyang damdamin kapag na­ka­katapos siyang kumanta.

Pero nakatadhana siyang manalo. Sa hu­ling sultada ng labanan nilang lima, habang nag­­­bilang ng error ang apat niyang kasama, nag­­kamali man siya ng minsan ay hindi nahalata ng manonood. At siguro maging ng mga naging hurado - Billy Crawford, Edgar Mor­tiz, at Mitch Val­dez - dahil hindi na nila ito tinalakay. Mas pinuri nila ang performance nito.

At habang ramdam na ramdam ko at kitang-kita ang pressure, nerbiyos at tensiyon sa magagandang mukha ng kanyang mga kalaban, cool lang si Angeline. Parang tanggap na niya kung ano ang kahahantungan ng kanyang ginawang pagsali. Nagbago lamang ang mukha niya, umiyak nang tawagin ang pangalan niya bilang winner, tuloy hindi na siya nakakanta pa ng maayos.

Salamat kay Sharon Cuneta na sinalo siya sa pagkanta but then ‘yun naman ang role ng isang nanay kapag nalalagay sa alanganin ang kanyang mga ‘inakay.’

* * *

Aba at mukhang nagpapatuloy ngayong 2011 ang suwerte na nagsimulang dumating kay Jericho Rosales nung 2010. Bukod sa tampok siya sa remake ng Koreanovelang Green Rose, nakapasa pa siya sa isang audition na ginawa niya para sa isang international movie na kung saan ay makakasama niya ang aktor na si Dean Cain, host ng Ripley’s Believe it Or Not at gumaganap ng Superman at Clark Kent sa seryeng Lois and Clark. Pinamagatang Subject : I Love You, kasama rin dito sina Gary Valenciano at Joel Torre.

Ang pelikula ay tungkol sa isang computer programming expert na Pinoy na siyang naging dahilan para kumalat ng I Love You virus na nakasira ng hindi kukulangin sa $10B halaga ng computer system kasama na ang computer program ng Pentagon, Parliament at CIA.

ANGELINE QUINTO

BILLY CRAWFORD

CLARK KENT

DEAN CAIN

EDGAR MOR

GARY VALENCIANO

GREEN ROSE

I LOVE YOU

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with