Kabit at boy toy inurirat ni Mother Ricky
MANILA, Philippines – Matapos matunghayan ang mga romantikong kasaysayan nung nakaraang episode ng Life and Style with Gandang Ricky Reyes ay mga istorya naman ng mga mistress at boy toy ang tampok ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga.
May interbyu si Mader Ricky sa mga kabit at ibabahagi nila ang masaya nguni’t kadalasa’y malungkot na karanasan lalo na’t nililibak at tinatawag silang immoral ng ibang taong mapanghusga.
May panauhing psychologist na magpapaliwanag kung bakit may mga number two na nakikihati sa kalaguyong maysabit na. Base sa matamang pag-aaral ay sasabihin din ng duktor kung ano ang nagtutulak sa mga tao para pasukin ang bawal na pag-ibig.
Ang selos nga ba’y katibayan ng pagmamahal? Hayaan ninyong magkumento tungkol dito ang isang inimbitahang sociologist na magbibigay din ng Art of Jealousy na mabisa raw pampatibay ng isang relasyon.
May testimonial ang isang lalakeng kasal sa ibang babae pero may relasyon sa maraming tao na naitatago sa asawa’t mga anak. Kasama ng lalake ang kalaguyo na maligaya sa kanyang piling kahit may pangambang pag nahuli sila ni misis ay maaaring matapos na ang kanilang relasyon. Bagay sa babaeng ito ang titulo ng episode na Ibang Eba Ka Talaga.
- Latest