Annabelle pabor sa halikang Eddie at Uge!
Natutuwa ang mga magulang ni Richard Gutierrez lalo na si Annabelle Rama sa malaking tagumpay ng pelikulang My Valentine Girls.
Sa ginanap na victory party ng pelikula na dinaluhan ng ilang cast ng pelikula, present din si Eddie Gutierrez at sinabi nito na ang mga ginagawa niya noon sa Sampaguita Pictures ay ginagawa na ni Richard ngayon.
May nagtanong naman kay Eddie na kung sakaling magkasama sila ni Eugene Domingo kung payag ba si Eddie na makahalikan ang komedyana.
‘‘Why not! “Sabi nito.
Payag din si Uge na magkaroon sila ng kissing scenes ni Eddie sakaling magkasama sila sa pelikula.
Payag naman kaya si Annabelle Rama sa kissing scenes ng kanyang asawa at ni Uge?
Ayon sa talent manager ay payag naman siya.
* * *
Pinaghahandaan na ni Marvin Ong ang kanyang concert sa Music Museum ngayong Abril 2 na pinamagatang Marvin Ong… Beginnings handog ng Viva Concerts at Lingkod ng Potrero Foundation, Inc.
Ito ang unang major concert ni Marvin kung saan guest sina Rachelle Ann Go at Pop Girls sa direksiyon ni Maricris Delgado.
- Latest