^

PSN Showbiz

Phil mas nakilala na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sino ba ang hindi nakakakilala ngayon kay Phil Younghusband? Mula nang hingan niya ng date si Angel Locsin sa pamamagitan ng Twitter ay nagkainteres na ang lahat na mas makilala pa ang lala­king nagkalakas ng loob na humingi ng date sa isa sa most sought after actresses sa local movies para sa Valentine’s Day.

Ang haba-haba naman ng buhok ni Angel, type siya ng lalaking maraming babae ang nagnanasa.

Kahit sinasabi nitong mas guwapo ang kanyang kapatid na si James na naglalaro rin sa Azkals na tulad niya, still marami ang may crush kay Phil. Si Angel kaya makatanggi sa kanyang charm?

* * *

Mataas ang naging rating ng unang pag-arangkada ng Nita Negrita ha. Patunay lang ito na malaki ang following ng pambatong teener ng Kapuso Network na si Barbie Forteza.

Idagdag mo pa ang pangyayaring ka-partner niya ang ka-love team niyang si Joshua Dionisio na marami ring fans. Ito ay sa kabila ng negatibong balita na diumano ay nagpatanggal sila ng isang kasa­mahang artista sa nasabing serye, walang epekto ito sa dalawa, itinanggi nila ang isyu.

* * *

Kahit magkaiba ng network, hindi nababawa­san ang pagkagiliw sa isa’t isa ng magkarelasyon na sina Rachelle Ann Go at John Prats. In fact, mas nami-miss nila ang isa’t isa kung kaya’t sa kanila nagkakatotoo ang kasabihang Absence makes the heart grow fonder.

Mas nagiging malalim ang relasyon nila. Sa puntong napag-uusapan na rin ang kasal, ’yun nga lang sa isang napaka-kaswal na usapan, wala pang kaseryosohan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BARBIE FORTEZA

JOHN PRATS

JOSHUA DIONISIO

KAHIT

KAPUSO NETWORK

NITA NEGRITA

PHIL YOUNGHUSBAND

RACHELLE ANN GO

SI ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with