Aktor ilalantad na ang tinatagong anak!
TRUE : Umalma si Karen delos Reyes sa kumalat na balitang nagwala at nagmura ito sa taping ng Machete dahil sa biglang pinabalik siya ng taping na ang buong akala niya ay pack-up na siya.
Mahaba ang paliwanag ni Karen na sinulat nito sa kanyang blog. Doon niya ipinaliwanag kung bakit hindi nito napigilang magwala at magmura. Pero nilinaw nitong kaya siya napamura ay dahil sa sobrang inis, pero wala raw “mo” ang mura niyang iyon. Wala siyang minurang staff member ng naturang telefantasya.
Pagbalik niya sa pangatlong araw ng taping ay siya na ang sinabihan ng EP ng Machete ng “a••hole” at “bitch” dahil sa narinig nito ang mga reklamo niya sa taping.
Hindi siya lumaban, bagkus humingi pa ito ng sorry kung nakasakit siya ng damdamin. Nagpasalamat pa siya at kinuha siya sa project na iyon.
Huling araw na ’yun ni Karen sa Machete at tuluyan na siyang tinanggal.
TANONG : Nagkabalikan na nga ba sina Nadine Samonte at ang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua pagkatapos nilang mag-break kamakailan lang?
Inamin ni Nadine na talagang nagkaproblema sila ng kanyang boyfriend dahil sa nagkaroon ito ng kasalanan sa kanya. Walang third party involved, pero masyadong personal ang dahilan kaya hindi na ito ikinuwento ng young actress.
Pero mga three weeks lang silang nag-break, nagkabalikan din sila dahil nakiusap naman si Emerson na mag-usap sila at ayusin nila ang problema.
Mahal pa naman niya ang kanyang boyfriend kaya pumayag na siyang magkabalikan na sila.
Hindi naman niya puwedeng isantabi lang ang mahigit limang taon nilang relasyon, kaya okay na sila uli ngayon at sana hindi na raw sila uli magkahiwalay.
TOTOO KAYANG isa sa mga araw na ito ay ilalantad na ng isang kilalang aktor ang kanyang anak sa kanyang non-showbiz girlfriend?
Matagal nang nanganak ang kanyang girlfriend at naitago nila ito. Pero proud si aktor sa kanyang anak, kaya gusto na niya itong ipakilala sa publiko. Abangan na lang natin!
TSIKA LANG : Balik-drama na si Maxene Magalona pagkatapos niyang magpaalam bilang isa sa mga hosts ng Tweetbiz sa QTV 11.
Isa si Maxene sa bida ng bagong serye ng Dramarama sa Hapon ng GMA 7 na may working title na Moral.
Halos lahat ng project ni Maxene sa GMA 7 ay drama sa hapon at maganda ang feedback nito at nag-rate naman.
Kaya puwede na nga siyang tawaging Dramarama Princess.
Ngayong araw sila magsisimula ng taping dahil ito ang ipapalit sa timeslot na iiwanan ng Koreana.
Kasama ni Maxene rito sina Nadine Samonte, Marco Alcaraz, at Luis Alandy, na ididirek ni Jay Altarejos.
- Latest