Nag-split sa mismong Valentine's Day, Aiko niloko ng dyowa
Na-tweet ni Ogie Diaz na break na sina Aiko Melendez at Patrick Meneses noong Valentine’s Day mismo. Si Patrick ang unang nagpa-interview na split na sila ni Aiko after three years and three months of being together.
Naloka si Ogie dahil very sweet pa sina Aiko at Patrick nang makita niya last Feb. 13, pero Feb. 14, naghiwalay na ang dalawa. Ang hindi nabanggit ni Ogie na very close kay Aiko ay kung bakit naghiwalay ang dalawa.
Binisita namin ang Twitter account ni Aiko at bumati pa sila ng ex niya ng Happy Valentine’s Day sa lahat ng mga couples. Nabanggit din nitong after their Valentine dinner, manonood sila ng show ni Vice Ganda, pero on the same date, nag-tweet si Aiko ng “Huli na…lulusot pa” at “Matuto kang magkuntento! Kalerkey, huli.”
Tuesday, heto ang tweet ng aktres, “It’s nice to be surrounded with people who love you unconditionally…no if’s, no but’s, thank you Lord life goes on, ’yun ang dapat” at “Why do I have this feeling of relief?”
* * *
Dalawang araw magkasunod na nag-attend ng storycon si Marian Rivera dahil noong Wednesday, storycon ng Amaya and this Thursday, storycon naman ng Ang Spooky Mo Presents Bampirella.
Excited si Marian sa dalawang projects dahil magkaiba ang konsepto at kung drama at mandirigma siya sa Amaya, magko-commedy siya sa Bampirella na Feb. 24 na sisimulan ni Direk Albert Langitan ang taping at every Saturday ang airing, kapalit ng Kapuso Movie Festival.
* * *
Wala pang eksenang magkasama sa Magic Palayok sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, kaya looking forward ang aktor to be working with his GF. Pero nag-usap na silang maging open na gumanap sa mga karakter nila sa fantaserye na magsisimula sa Feb. 28, bago ang 24 Oras.
Na-miss din ni Geoff na makatrabaho si Direk Joel Lamangan na una nilang naging director ni Carla. Ipinagmalaki nitong hindi pa siya nasigawan ng direktor dahil hindi pa siya na-late sa taping pero pinagsabihan na siya minsan.
* * *
Muling nakipag-meeting si Isabelle Daza at ang manager nitong si Leo Dominguez kay Annette Gozon-Abrogar ng GMA Network at GMA Films last Tuesday. Ang offer ng network sa dalaga ni Gloria Diaz ang rason ng nasabing second meeting.
Maganda ang kinalabasan ng meeting at talent fee na lang ni Isabelle ang pinag-uusapan pa. Sa unang pagpunta ni Isabelle sa GMA Network, ipinakilala siya ni Annette kina Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, at iba pang top executives ng Channel 7.
* * *
Nagtatanong ang mga nakakita kina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff na nanood ng Burlesque nina Cher at Christina Aguilera sa Powerplant Mall sa Rockwell last Tuesday sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Iwas-pusoy at puro paduda ang dalawa sa kanilang mga sagot ’pag tinatanong, pero iba ang sinasabi ng kanilang mga kilos.
Sunod na mapapanood sina Richard at Solenn sa Captain Barbell dahil isa ang dalaga sa kapareha ng actor.
- Latest