Alvin nanguna sa krusada ng kalamidad
MANILA, Philippines - Pagdating sa mga sakuna na sumasalanta sa Pilipinas, tila nagkakatotoo ang kasabihang, history repeats itself. Paulit-ulit ang mga kalamidad at paulit-ulit din ang mga kinasasawian ng mga Pilipino.
Ilang beses na ring naipadala si Alvin Elchico upang magbalita sa mga bagyo at unos. Sa rami nang nakita niyang nasawi at nasalanta, naging krusada na ni Alvin ang magbigay kaalaman sa mamamayan pagdating sa mga kalamidad, pati na rin ang pagbantay sa mga paghahanda ng gobyerno ukol dito.
Kung kaya ngayong Huwebes (Feb 17) sa Krusada, susubukang sagutin ni Alvin kung bakit mistulang hindi natin napaghahandaan ang bawat hagupit ng kalikasan. Ano na ba ang mga ginagawang pagbabago at mga proyekto ng gobyerno pati na rin ng pribadong sektor upang matugunan
ang banta ng kalamidad?
Antabayanan ang Krusada pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
- Latest