Sikat lang sa basketball, Kim hindi kilala si Simon Atkins
Mukhang nauuso na ngayon ang ligawan sa Twitter dahil noong isang linggo ay naging kontrobersiyal ang palitan ng mensahe nina Phil Younghusband at Angel Locsin sa nasabing social networking site.
Inimbitahan kasi ng football player via Twitter ang aktres para sa isang romantic Valentine date at na-entertain naman ni Angel ang football player kaya pinag-usapan ito sa buong showbiz industry.
Isang panibagong athlete naman ngayon ang nag-post sa Twitter ng pangalan ni Kim Chiu with matching smiley, ang basketball superstar na si Simon Atkins.
Desididong makilala ni Simon ang aktres dahil nakiusap din ito sa kaibigan niyang si Josef Elizalde na ipakilala siya kay Kim.
Ayon pa kay Simon, hindi pa naman niya ini-invite ang young actress to go out on a date.
Noong Martes ng gabi, sa press launch ng produktong ini-endorse ni Kim ay naikuwento ng aktres na nagkausap na sila ni Simon sa telepono sa unang pagkakataon.
“Actually, hindi ko siya (Simon) kilala. Hindi ko alam, na-search ko lang siya sa Google. Tapos ’yung isang friend niya, pinakausap sa akin. Sandali lang kasi may ginagawa rin ako,” natatawang pahayag ni Kim.
“Sabi ko, bakit ko siya kakausapin eh hindi ko siya kilala?” Ano kaya ang posibleng gawin ng aktres kung sakaling imbitahin siya ni Simon para sa isang date? “’Di ko pa alam, depende,” maikling sagot ni Kim.
Paano kung seryoso na ang basketball player sa gagawin nitong panliligaw sa kanya? Handa na kaya si Kim na muling pumasok sa isang bagong relasyon? Si Simon na kaya ang papalit kay Gerald Anderson sa puso niya? “Hindi muna, hindi ko alam. ’Yung pagmamahal, ’yung boyfriend, darating at darating din iyan. Hindi hinahanap ’yan. Darating na kusa iyan nang hindi sinasadya,” paglilinaw pa ng young actress.
Anne kinabahan sa Green Rose
Noong Lunes ay nagsimula na sa primetime bida ang teleseryeng babago sa kulay ng pag-ibig, ang Green Rose. Tampok sa nasabing programa sina Anne Curtis, Jericho Rosales, Alessandra De Rossi, at Jake Cuenca. Ito rin ang pagbabalik ni Anne sa primetime kaya masayang-masaya ang aktres ngayon.
Pero kabado si Anne bago pa nagsimula ang kanilang serye dahil sa magiging feedback ng tao. “Kinabahan ako ng sobra, but you know of course I have so much faith in what we shot and sobrang grateful ako. Nagpapasalamat ako sa lahat ng positive feedback na nakuha ko,” nakangiting sabi ni Anne.
Ngayon ay pinag-uusapan na kahit saan ang Green Rose maging sa Twitter at Facebook.
“Maraming salamat guys sa suporta na ibinigay ninyo. It was such a good feeling hearing the feedback and sana subaybayan ninyo ang Green Rose sa primetime bida after Imortal,” paanyaya ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest