^

PSN Showbiz

Voizes in the Rain loaded ng love songs

-

MANILA, Philippines - Loaded ang mga love songs sa post-Valentine con­­cert dalawang grupo na magkahiwalay ang hene­rasyon — ang Voizboys at Rainmakers — para sa Voizes in the Rain na gaganapin sa Music Museum, Feb. 18, 8:30 p.m. Hindi lang sila ang mapapanood dahil kasama rin sina Janet Basco, Rep. Lani Mercado, at Tuesday Vargas bilang special performers.

Ang boyband ng dekada na Voizboys ay sina Nico Antonio, Guji Lorenzana, Jay-R Siaboc, at Tom Rodriguez. Hindi naman magpapahuli ang grupong Rainmakers na sina Joel Macanaya, Mon Villanueva, Joseph Lansang, at Jojo Go­rospe dahil patok ang kanilang mga kanta noong dekada 70.

Ang 10-track album na Fusion na inilabas ng Voizboys noong isang taon sa ila­lim ng Quan­tum Music at ini-re­lease ng Star Records ay may pitong orihinal na kanta at tat­long remake. Si Mon ng Rainmakers, na kamag-anak ni Nico, ay may dalawang komposisyon dito, ang You and Me at Maria Cla­ra.

Ang Voizes in the Rain ay produced ng Quantum Music at mabibili ang tiket sa kanilang opisina at sa Music Museum. Para sa mga detalye, tumawag sa 887-0226 at 887-7698.

ANG VOIZES

GUJI LORENZANA

JANET BASCO

JAY-R SIABOC

JOEL MACANAYA

JOJO GO

JOSEPH LANSANG

MUSIC MUSEUM

SHY

VOIZBOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with