^

PSN Showbiz

Sikat na hunk actor na may GF na actress nakipag-date sa baguhang young actress

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

On and off ang relasyon ng isang sikat na hunk actor sa kanyang actress GF and as of today, cool off ang dalawa. Kaya siguro libre at walang takot na lumabas ang actor kasama ang pretty newbie young actress na nali-link din sa kanya.

Tiyak na disappointed nito ang isa pang young actress na may gusto sa hunk actor dahil pina-project niya ang actor kahit alam na may nobya. Kaso, hindi siya ang ka-date nang mag-cool off sila ng GF.

* * *

Ikatutuwa ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na matagal nang nami-miss na makita silang magkasama sa TV ang nabalitaan naming may special participation ang actor sa pilot story ng Ang Spooky Mo Presents…Bampirella na pagbibidahan ni Marian.

Hindi sinabi ang role ni Dingdong, pero titiyaking maganda para masulit ang paghihintay ng DongYan fans. Sa February 24, na ang first taping day kung saan, kasama rin ang ramp model/endorser na si Michael Daez na nababalitang isa sa makakapareha ni Marian sa Amaya.

* * *

Binabawi namin ang nasulat namin kahapon na hindi tinanggap ng kampo ni Glaiza de Castro ang Amaya dahil join na siya sa cast ng epic serye at baka present sa storycon this Wednesday.                                                                                 

* * *

Dahil sa taping ng Magic Palayok na nataon last Valentine’s Day, nauna nang nag-celebrate ng Hearts Day sina Chynna Ortaleza at nobyong si Railey Valeroso. Hindi natuloy sa Bangkok ang dalawa dahil sa trabaho, kaya ang ginawa, kumain na lang sila sa at nagpa-Thai massage.

Natuwa si Chynna na lumaki ang role niya sa fantaserye na mapapanood na sa February 28, bago ang 24 Oras

Dahil din sa Magic Palayok, hindi na itinuloy ni Chynna ang paglipat sa TV5 dahil ibinigay ang hininging guaranteed shows at talent fee at thankful siya kina Annette Gozon-Abrogar at Ida Henares na maayos kausap.

* * *

Kasama si Moi ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown sa cast ng Magic Palayok bilang kasambahay na medyo salbahe. Biniro siya ng press dahil sabay ng taping niya last Monday ang Valentine concert ni Piolo Pascual, pero sa halip na samahan ang actor, nagti-taping siya.

Kuwento ni Moi, nagpaalam siya kay Piolo na hindi ito masasamahan sa concert dahil may taping siya ng kanyang first teleserye at naintindihan nitong dapat niyang unahin ang trabaho.

AMAYA

ANG SPOOKY MO PRESENTS

ANNETTE GOZON-ABROGAR

CELEBRITY SHOWDOWN

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

DAHIL

MAGIC PALAYOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with