^

PSN Showbiz

Matapos tawaging baluga guwapong aktor inilaglag ng manager

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Naudlot pala ang pag-celebrate ng Valentine’s Day nina Dingdong Dantes at Marian Ri­vera na dapat ay gagawin nila sa Hong Kong.

Nung Biyernes pa pala sila sa Hong Kong at ka­ilangan din nilang bumalik kinabukasan dahil nag-commit na raw si Marian na aapir siya sa birthday celebration ni Lovi Poe sa Party Pilipinas.

Si Dingdong naman ay nag-guest sa concert ng La Diva sa Trinoma. Kaya balik-trabaho agad sila.

Pero nangako naman ang aktor na may inihanda siyang dinner para sa kanilang dalawa.

Ayaw namang sabihin ni Dingdong kung saan pero excited si Marian nang makausap namin nung Linggo dahil sinabihan daw siya ng kasintahan na maghanda lang ito dahil kakain sila sa isang lugar na hindi pa niya napuntahan.

Meron namang inihandang Valentine gift si Marian kay Dingdong, pero ang huli ay napapangiti lang dahil mukhang may inihanda rin siyang sorpresa para sa aktres.

TANONG : Sa kasalan na rin ba hahantong ng relasyong Jay R at Krista Kleiner?

‘Yun din ang tanong nila sa ngayon na sana nga, maganda ang maging kasagutan. Wala na silang mahihiling pa dahil masaya silang dalawa sa kanilang relasyon. Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang kanilang pagsasama at sabi nga ni Jay R, eversince ay seryoso naman talaga siyang ma­­ki­pagrelasyon, lalo na raw itong kay Krista.

 “Ang dami na naming… we went to a lot of stuff but we became stronger,” say ni Jay R.

TOTOO KAYANG ang dahilan kung bakit binitiwan ng talent manager ang guwapong aktor na ala­ga niya ay dahil tinawag siyang “baluga”?

May pagka-kayumanggi kasi si talent manager, pero hindi niya akalaing tawagin siyang ganun ng alaga niyang ang buong akala niya ay pagkabait-bait at magalang.

Aksidenteng sa kanya nai-text ni aktor ang mensahe nito sa isang nag-i-inquire ng isang raket na sinabi nitong itanong na lang kay baluga.

Hindi na kinompronta ni talent manager si aktor, kinausap na lang niya ito nang mahinahon na mabuting maghiwalay na lang sila dahil hindi na niya maasikaso ang career nito.

Hindi naman kasi mahilig sa gulo si talent manager at likas na mabait ito at mapag-alaga sa mga talents niya, kaya hindi niya maatim na ganunin siya nitong aktor.

TSIKA LANG : Ayaw nang magpaka-nega ni Joshua Dionisio kaya iniiwasan na niya ang intriga tungkol sa kanila ni Kristofer Martin habang nagpu-promote ito ng bagong dramarama nila ni Barbie Forteza na Nita Negrita.

Nalulungkot lang daw siya dahil okay sila ni Kristofer na magkaibigan kaya nagugulat na lang daw siya na may mga naglalabasang intriga tungkol sa kanilang dalawa.

Kapag nasa taping sila, okay daw sila at walang tensiyon at ang buong akala raw niya ay kasama pa niya ito sa Nita Negrita.

Wala naman siyang kaide-ideyang hindi na pala ito kasali. Ang ikinagulat pa niya, nadamay siya sa pagkatanggal kay Kristofer.

Sana tapusin na raw ang intriga sa kanilang dalawa dahil pareho naman daw silang may magagandang projects sa GMA 7.

Kasali si Kristofer sa Amaya na malapit na ring magsimula.

AYAW

BARBIE FORTEZA

DAHIL

DINGDONG DANTES

HONG KONG

JAY R

KRISTOFER

LANG

NITA NEGRITA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with