Kris Aquino nag-dinner with James Yap, niregaluhan pa ng bracelet
Kahapon ay nagsimula na ang pinakabagong game show ni Kris Aquino, ang The Price is Right.
Maganda ang naging presentation ng nasabing show dahil kasabay ng kanilang pilot episode ang mismong kaarawan ni Kris.
Noong Sabado ay back-to-back ang naging birthday celebration ng Queen of all media. Nagkaroon ng medical mission sa Tarlac si Kris sa umaga at kinagabihan naman ay isang private dinner ang ginanap sa kanyang bahay na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan mula sa showbiz at pulitika.
Present din sa nasabing private dinner ang mga kapatid ni Kris at naghandog din si Presidente Noynoy Aquino ng isang song number para sa bunsong kapatid.
Simple lamang daw ang birthday wish ni Kris. “I want freedom, ‘yun lang ang gusto ko. Matapos na lahat para maging malaya kami ni James pareho na makahanap ng kaligayahan namin na hindi namin naibigay sa isa’t isa,” pahayag ng aktres.
Nag-post naman ng message kahapon si Kris sa kanyang twitter account na isang dinner daw ang pinagsaluhan nila ni James Yap kasama sina Josh at Baby James noong Linggo. Isang bracelet din daw ang iniregalo sa kanya ng dating asawa.
Sharon Cuneta, may pakiusap kay Piolo
Masaya si Megastar Sharon Cuneta sa ginawang pag-amin nina Piolo Pascual at KC Concepcion tungkol sa kanilang tunay na relasyon kamakailan.
Noong una ay nasorpresa raw si Mega pero natutuwa siya dahil very responsible naman daw talaga ang dalawa.
Natutuwa si Sharon na si Piolo ang karelasyon ng kanyang anak at very welcome daw ang binata sa buong pamilya ni Ate Shawie. “Piolo, he’s welcome. He’s part of our family in a way kahit hindi officially. Ang pakiusap ko lang, PJ, she was my princess before she became yours and she will always be, and I love her to death. Please just love her and then we will love you,” pakiusap ng Megastar sa aktor.
“My wish for them is that huwag nilang masyadong iisipin ang lahat ng opinion ng mga tao, ke napakaganda o hindi maganda. Hindi nawawala sa showbiz ‘yun. I want them both to be happy. They have my full support,” dagdag pa ni Sharon.
Samantala, naikuwento rin ng megastar na malapit na raw maayos ang adoption papers ng kanyang baby boy na si Miguel.
Sobrang kaligayahan daw ang naibibigay ni Baby Miguel sa kanya at sa kanilang buong pamilya. “Na-submit na namin ‘yung aming application na gusto naming maging parents niya. Talagang we went through the legal process na walang pandaraya, so we just want him very much in our lives. Si Miguel ngayon ang love ko eh, I’m so in love with Miguel. Walang ginawa kundi magsabi ng Mama, mama, mama. Kiss nang kiss,” kuwento pa ni Ate Shawie. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest