^

PSN Showbiz

Leo Rabago na-cremate na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang ganda-ganda ni Nanette Medved-Po sa February issue ng Mega magazine. Matagal nang iniwan ni Nanette ang showbiz dahil full time mother and housewife na siya pero in demand siya sa mga magazine cover pictorial.

May mga offer kay Nanette na mga TV guesting pero tinatanggihan niya dahil ang pag-aasikaso sa asawa at dalawang anak ang kanyang priority.

Active din si Nanette sa mga charity work at ang Bantay Bata ng ABS CBN ang isa sa mga tinutulungan niya.

* * *

Sunud-sunod ang mga sighting kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla kaya hindi mabura ang mga tsismis na meron silang namumuo na relasyon.

Humabol pala noon si Aljur sa birthday dinner ni Kylie sa Toki, ang Japanese restaurant sa The Fort na dinarayo ng maraming kostumer.

Hindi na nakapasok si Aljur sa Toki dahil paalis na si Kylie at ang mga kasama nito nang dumating siya.

Nagpang-abot si Aljur at ang tatay ni Kylie na si Robin Padilla. Ang sabi ng isang saksi, halata na nahihiya si Aljur nang magbigay-pugay sa tatay ni Kylie. Ibinigay din ni Aljur ang birthday gift niya sa young actress.

Kung patuloy na mali-link sina Kylie at Aljur sa isa’t isa, hindi malayo ang posibilidad na magkapareha sila sa mga future show nila sa GMA 7.

* * *

Iginalang ng media ang pakiusap ng naulilang pamilya ng model/actor na si Leo Rabago na huwag kunan ang kanyang burol.

Naintindihan ng media people ang sitwasyon dahil isang private wake raw ang request ni Leo noong nabubuhay pa ito. Alam ko ang kuwento dahil nag-try ang Startalk staff na mainterbyu ang pamilya ng model/actor na sikat na sikat noong panahon ng kasikatan ng mga loveteam nina Gabby Concepcion at Snooky Serna, Maricel Soriano, at William Martinez.

Ibinurol ang labi ni Leo sa Sto. Niño Parish Church, Green Park Village sa Pasig City at kahapon ang cremation sa kanyang bangkay.

* * *

May lunch meeting ako ngayon kay former Secretary Lito Atienza sa Home for the Angels, ang bahay ampunan para sa mga bata na inabandona ng ka­nilang mga magulang.

Ngayon kasi ang anniversary ng Home for the Angels. Gusto ni Papa Lito at ng kanyang misis na ipakilala sa akin ang mga bagets na kanilang tinutulungan. Ikukuwento ko sa inyo bukas ang mga pangyayari sa first time na pagdalaw ko sa Home for the Angels.

* * *

Malapit na ang blessing ng branch ng Belo Medical Clinic sa Greenbelt. Nakita ko noong Sabado ang mga imbitasyon ni Dra. Vicki Belo sa mga Kapuso star at gandang-ganda ako sa fresh stargazer flowers na iba’t iba ang kulay.

Unique ang naisip na imbitasyon ng Belo Medical Clinic at parang pinakyaw nila ang lahat ng mga stargazer sa mga flower shop. Mahihirapan ang ibang mga beauty clinic na mapantayan ang prestige ng sikat na beauty clinic ni Mama Vicki.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BANTAY BATA

BELO MEDICAL CLINIC

GABBY CONCEPCION

GREEN PARK VILLAGE

KYLIE PADILLA

NANETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with