^

PSN Showbiz

Jinkee nakipagkita kina Jimmy Kimmel at Ellen DeGeneres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Expected na hindi papayagan ni Congressman Manny Pacquiao na pumasok sa showbiz ang kanyang misis na si Jinkee dahil sa kanilang apat na anak at mga negosyo.

Hindi kailangan ni Jinkee na magtrabaho dahil good provider si Manny pero naintriga ako sa balita na isang television network ang nag-aalok kay Jinkee ng isang talk show na mala-Oprah Winfrey.

Nagkataon pa na kinumpirma ni Jinkee ang ba­lita na makikipagkita siya sa mga popular US TV hosts na sina Jimmy Kimmel at Ellen DeGeneres.

Na­nga­ngahulugan ba ito na type ni Jinkee na magkaroon ng hosting career at may katotohanan ang tsismis na inaalok siya ng show ng isang TV network?

Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa pagbabalik ng mag-asawa na kasalukuyang nasa Amerika dahil sa promo tour ni Manny para sa boxing match nila ni Sugar Shane Mosley sa May.

Jinkee nagdalawang isip sumama sa Amerika

Nagdadalawang-isip si Jinkee na sumama sa A­me­rika dahil marami siyang dapat asikasuhin sa Pilipinas.

Nagbago ang isip ni Jinkee dahil na rin siguro sa mga nagpayo sa kanya na ma­­laki ang chance na ma-meet nila ni Manny sa White Hou­se ang mag-asa­wang Barack at Michelle Obama.

May mga nagsasabi na baka hindi matuloy ang meeting na pinapangarap ni Manny pero confident ang mga nasa paligid ng Pambansang Kamao na positive ang magiging resulta ng pagdalaw nila sa Washington, DC dahil nasa good mood si Pres. Obama, porke umalis na nga sa puwesto si Egypt President Hosni Mubarak. Imbiyerna si Obama kay Mubarak dahil pinatagal pa nito ng dalawang linggo ang mga kilos protesta sa kanyang bansa bago siya nagdesisyon na mag-babu sa puwesto.

Sharon maraming nakakalokang kuwento

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Love De Guzman, ang anak ni Kuya Mar D’ Guzman Cruz na sumakabilang-buhay dahil sa sakit na leukemia.

Nakaburol ang labi ni Love sa Mount Carmel Church sa Quezon City at naka-confine naman si Kuya Mar sa St. Luke’s Hospital dahil sa mild stroke.

Nagpunta ako noong Sabado sa burol ni Love at dito ko naabutan si Sharon Cuneta. Mahal na mahal ni Sharon si Kuya Mar na dating editor ng mga entertainment magazines. Binisita ni Sharon si Kuya Mar sa ospital at dumalaw din siya sa burol ni Love.

Maraming kuwento si Sha­­ron nang magkita kami at naloka ako sa kanyang ma­talas na memorya dahil kilala niya ang maraming tao na nakiramay sa pamilya ni Kuya Mar. Hindi lang basta kilala as in natatandaan ni Sharon kung saan at paano sila nagkita. Hindi talaga dapat pagtakhan kung bakit naging Megastar si Sharon.

Hindi ko puwedeng i-share sa inyo ang mga napagkuwentuhan namin ni Sharon dahil karamihan eh tungkol sa kanyang personal na buhay.

Pero hindi ko makakalimutan ang kanyang kuwento na type na type niya ang kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna dahil sariwang hangin ang nalalanghap nila doon ng kanyang pamilya.

Richard at Solenn puwedeng mauwi sa seryosong relasyon

Pinilahan kahapon sa mga sinehan ang 5th day ng My Valentine Girls at pami-pamilya ang mga nanood. Maganda ang mga reviews sa pelikula ni Richard Gutierrez at malaking tulong ang mga kuwento na ang My Valentine Girls ang pinakamaganda sa lahat ng mga Valentine movies na ginawa niya.

Umapir si Richard sa Valentine concert na pinrod­yus ng kanyang nanay na si Annabelle Rama. Guest performer sa concert si Solenn Heussaff. Saksi ang mga nanood ng iValentine U sa personal na pag- aasikaso ni Richard Kay Solenn. Kumbinsido ang mga witnesses na puwedeng mauwi sa seryosong relasyon ang friendship nina Solenn at Ri­chard na naging close sa isa’t isa nang magkasama sila sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown na kinunan sa Ranong, Thailand.

AMERIKA

ANNABELLE RAMA

CELEBRITY SHOWDOWN

DAHIL

EGYPT PRESIDENT

JINKEE

KUYA MAR

MY VALENTINE GIRLS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with