^

PSN Showbiz

Zoren gustong palayasin si Carmina sa kanilang bahay

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hanggang ngayon ay stable pa rin ang relasyon nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kahit hindi pa sila kasal.

“Maganda ang aming relasyon sa piling ng a­ming kambal. Nagkakaroon din kami ng argumento pero hindi nagtatagal. Boring nga ang buhay namin dahil hindi kami nag-aaway. Gusto ko ngang lumayas siya sa bahay namin para maging madrama naman ang buhay namin,” sabay halakhak ng aktor.

Bukod sa pagiging aktor, epektibong TV host si Zoren at spontaneous ito.

Ngayong Valentine’s Day ay nasa bahay lang sina Zoren at Carmina kapiling ang mga anak. Katuwiran ng aktor, kapwa sila busy at laging nasa labas ng bahay. Sa Araw ng mga Puso magpapahinga naman sila sa bahay para makaiwas din sa traffic.

Gagampanan ni Zoren ang karakter na Arturo, ang adoptive father ni Misty (Lexi Fernandez) sa Nita Negrita.

Jake todo-kayod para sa inang may colon cancer

Nagpapasalamat si Jake Var­gas dahil sunud-sunod ang trabaho niya hindi lang sa telebisyon kundi sa mga out-of-town shows dahil kailangan niyang kumita para sa inang may colon cancer.

Gusto niyang madugtungan ang buhay ng ina na kailangang mag-undergo ng chemotherapy at per session ay nagkakahalaga ng P45,000. Kailangan pa rin niyang kumita ng pera para sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pamilya, gaya ng pagkain.

Mabuti na lang at nako-compensate ang kanyang pagod sa magagandang proyekto tulad nitong Captain Barbell na katambal niya si Bea Binene.

Ang kanyang self-titled album ay nasa 11th slot sa recording chart at hataw ang awiting Maghihintay sa ’Yo at ang Ngiti.

Mapagmahal na anak si Jake kaya pinagpapala.

BEA BINENE

CAPTAIN BARBELL

CARMINA VILLARROEL

JAKE VAR

LEXI FERNANDEZ

NGAYONG VALENTINE

NITA NEGRITA

SA ARAW

ZOREN

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with