Diva makakatanggap ng alok ng kasal sa Love-Gen!
MANILA, Philippines - Gugulatin na naman ang mga manonood ngayong Linggo sa musical-variety show ng GMA 7 dahil sa ipinagmamalaking higanteng “human LCD” na sasamahan ng malaki ring all-star cast sa opening number sa Party Pilipinas na may episode na Love-Gen.
“Sweet like cola” ang Sexbomb kay Janno Gibbs at mapapalaban din ang mga magkakaparehang sina Iza Calzado at Mark Bautista at Katrina Halili at Rocco Nacino. May Valentine heat naman mula kina Rochelle Pangilinan at Machete Aljur Abrenica.
May istorya ng puppy love sina Julieann, Elmo Magalona, XLR8, at Popgirls, habang sina Soul Princess Kyla at Jolina Magdangal naman unrequited love.
Tuluy-tuloy ang romansa sa Party Pilipinas dahil kina Ogie at Regine Alcasid at Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Bagay na bagay din ang show kay Heart Evangelista na magdiriwang ng unang Valentine’s Day kapiling si Daniel Matsunaga. Ang FAMAS best actress na si Lovi Poe ay isang hot Britney Spears number ang handog sa mga fans sa kanyang kaarawan. At ma-in love ng todo ngayong Feb. 13, simula alas-dose, dahil isang diva ang susunod sa yapak ni Regine, makakatanggap siya ng marriage proposal!
ASAP fresh ngayong linggo
May bagong pasabog na naman ang ASAP Rocks para sa mga Kapamilya sa buong mundo ngayong linggo. Humanda na sa mga pinakabagong segment ng ASAP, mga hottest performances at ang mga pinaka-sikat at pinag-uusapang Kapamilya stars.
Supah stomping welcome ang ihahatid ng ASAP Rocks para sa mga pinaka-freshest dance moves na siguradong magpapayanig sa dance floor. Ilulunsad ng ASAP Supahdance ang mga pinakabagong All Star Dance Crews.
Sisimulan ang showstopping dance sensation ngayong linggo.
Isang musical spectacle ang handog sa bago nitong segment na ASAP Playlist. Ang lahat ng mga hits kasama ang mga mahuhusay na Pinoy vocal talents.
Magsasama-sama ang mga ultimate Dream Boys sa isang mainit na production number.
Humandang humiyaw sa pinaka-mainit na grupo simula ngayong linggo.
Abangan din ang grand launch ng Philippine version ng well-loved Asianovela na Green Rose. Mag-iiba ang kulay ng pag-ibig ngayung Pebrero kasama sina Anne Curtis, Jake Cuenca, Alessandra De Rossi at Jericho Rosales.
Maki-jam sa ASAP Sessionista sa pag-awit ng mga unforgettable love hits. Huwag palalampasin ang isa na namang power packed concert experience
May regalo si Christian Bautista ngayong Valentines Day. Haharanahin ng ASAP Asiansation ang mga Beautiful Girls
Magsasanib puwersa ang ASAP Concert Icons, ASAP Champions, Sarah Geronimo, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Billy Crawford, Piolo Pascual at Mr. Pure Energy Gary V. para sa isang Solid Sunday ng Concert Power.
Abangan ang paghataw ng world-class beauties na sina Bianca Manalo at Venus Raj sa Dance U class habang isang Supahdance Birthday blow out ang ihahandog ng Dance floor Dynamite na si John Prats at ang new generation leading man AJ Perez. Isang malupit din na birthday performance mula sa One and Only Jewel of Primetime, Cristine Reyes.
Iba-ibang Kulay ng Pag-ibig sa Life and Style
Bisperas ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ngayong Linggo kaya ang tampok sa Life and Style With gandang Ricky Reyes ay tungkol sa iba-ibang kulay at mukha ng pag-ibig.
May intimate interview si Mader Ricky sa popular na couple na sina Divine Lee at Victor Basa. Abangan ang kanilang exciting at inspiring love story na may hatid na kilig, pramis!
Mapapanood din ang Part 2 ng Different Faces of Love at dalawang pareha ang magpapatunay na ‘di namimili ang pag-ibig. Ang ipi-feature ay affair ng isang member ng third sex at isang tunay na lalake at ng isang pandak na babae at matangkad na lalake. Sa iba’y kakatwa ang dating nila pero sabi nga ng mga Kano, Against all odds ang drama nila. Wala sa pagkakaiba ng kasarian o itsura ang ikaliligaya ng mga nagpasyang magsama at magmahalan.
Kung negosyante ka’t gusto mong kumita sa panahon ng Love Day ay tutok lang sa segment ng programa na Vakentine’s Day Businesses.
Sikat ang radio station na DWLS-FM at mula sa mga deejay na sina Mama Belle, Papa Tolits, Papa Bear at Papa Dan ay malalaman natin ang Top 10 Most Requested Love Songs para sa romantikong okasyon. Kasama kaya rito ang inyong themesong?
- Latest