Vhong Navarro lalayasan ang Showtime
Simula sa Lunes ay pansamantalang mawawala si Vhong Navarro sa Showtime. Nakatakdang magbakasyon ang TV host sa Europe kasama ang ilang kaibigan. Kasama rin daw ni Vhong ang kanyang special someone sa nasabing trip para mag-celebrate ng Valentine’s day doon.
“Aalis ako, magbabakasyon ako. Kasama ko ang aking friends. Two weeks akong mawawala, pagbalik ko sana ay nandiyan pa rin kayong mga sumusuporta sa akin. Magpapahinga lang naman ako,” nakangiting bungad ni Vhong.
Samantala, todo-suporta rin ang komedyante sa pinakabagong noontime show na makakasama nila sa primetanghali, ang Happy Yipee Yehey. “Naka-suporta tayo sa bagong papalit, at the same time, at least ngayon ay babalik na tayo sa dating oras. Time slot ng Showtime, ‘yun naman talaga ang oras ng Showtime at suportahan natin ang bagong noontime show,” dagdag pa ni Vhong.
Hindi naman maipagkaila ang tuwang nararamdaman ngayon ng aktor dahil sa magandang feedback sa pelikula niyang Bulong. “Ngayon ay nawala na ‘yung kaba ko dahil talagang pinagdadasal ko every night bago pa lang mag-premiere night, na sana po ay tangkilikin ng mga manonood ang Bulong. It’s a horror comedy na matanggap nila, ‘yung expectations nila ay maabot namin. Ito rin ang unang handog ng Star Cinema this 2011 kaya talagang nakaka-tense,” kuwento pa niya.
John Lloyd at Shaina kasama sa kampanya ng BIR
Noong Martes ay pormal nang inilunsad ang tax campaign ng Bureau of Internal Revenue na may theme na Buwis Mo Para Sa Bagong Pilipinas.
Isa itong kampanya ng B.I.R. para ma-meet nila ang target na 940 billion na tax collection para sa taong ito.
Ginanap ang nasabing event sa Trinoma mall at dinaluhan ito ng ilang Kapamilya stars like John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, at KC Concepcion.
Todo ang suporta na ibinibigay ngayon ni John Lloyd sa B.I.R. kahit na nagkaroon ng problema sa pagitan nila noong nakaraang taon. “Nagpapasalamat tayo kasi na-invite tayo dito ng B.I.R. Nagpunta kami rito kasama ng mga iba pang artista like si KC Concepcion, Jaya, para sumuporta sa isinusulong ng B.I.R. na makapagbayad tayo on time. Akala mo kasi February pa lang pero April mabilis lang iyan. Sana ay makapagbayad lahat on time para maiwasan ang mga problema. Mga hindi inaasahang problema with the B.I.R., iyon ang ayaw nating mangyari,” seryosong pahayag ni John Lloyd.
Natutuwa rin si B.I.R. commissioner Kim Jacinto-Henares dahil pinaunlakan ng ilang celebrities ang kanilang invitation para makatulong sa kanilang campaign. “Every year we have celebrities in part of the campaign. I guess, it made them more conscious about their tax obligations,” pahayag naman ng commissioner.
Umaasa ang Bureau of Internal Revenue na magiging matagumpay sila ngayong taon sa pangongolekta ng tamang buwis. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest