ABS-CBN panalo sa national TV ratings noong Enero
MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng 2011, patuloy pa ring nangunguna sa national TV ratings ang ABS-CBN at hindi pa rin matinag ang mas lalo pang tumitinding Primetime Bida nito base sa pinakahuling datos ng kumpanyang Kantar Media.
Pumalo sa 40% national audience share ang primetime block ng ABS-CBN noong Enero laban sa 31% ng GMA 7.
Mas pinanood ang Noah (27.6%) nina Piolo Pascual at Zaijian Jaranilla.
Panalo naman ang Mara Clara na nakakuha ng 29.6% rating o higit 10 puntos.
Samantala, umangat naman ang fantaserye na Mutya sa unang labas nito noong Enero 31 sa rating na 32.6%, na nagdala rito sa tuktok ng top 10 programs para sa buwan ng Enero nationwide kasama ang walo pang programa ng ABS-CBN.
Naroon din ang Mara Clara na may average rating na 30% na sinusundan naman ng Noah (27.7%) at ng nangungunang newscast sa bansa, ang TV Patrol (27.2%).
Nasa ika-limang puwesto naman ang Imortal sa rating na 26.3% kasunod ang mga nangungunang programa sa weekend na Wansapanataym (24.3%) at Maalaala Mo Kaya (23.4%).
Pasok din ang Rated K (21.6%) ni Korina Sanchez bilang pinakatinututukang current affairs show pa rin sa bansa sa ika-walong puwesto, at ang Goin Bulilit (21.2%) naman na nasa ika-sampu.
Sa kabuuan, ABS-CBN pa rin ang wagi sa buong Pilipinas pagkatapos magtala ng pinakamataas na audience share na 36% kumpara sa 34% ng pinakamalapit na kalaban.
- Latest