^

PSN Showbiz

Relasyon ng aktres sa mayamang negosyante, kalat na kalat na?

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Kalat na kalat na pala ang umano’y relasyon ng isang aktres sa isang mayaman at kilalang negosyante particular na sa area ng Chinatown. Kuwento ng source, hindi na lihim ang nasabing relasyon tungkol sa isang aktres na may-asawa at isa ring pamilyadong negosyante. Nakikita raw itong magkasama kaya marami na ang nakakaalam.

Isang TV host ang dating karelasyon ng mayaman at kilalang negosyante ayon pa sa source. Pero dahil sa mas may edad na ang TV host, kina­lasan na raw nito at mas pinili ang mas sariwang aktres na may asawa naman.

Ang nasabing negosyante ang umano’y dahilan kaya parang dedma lately ang aktres sa kanyang trabaho.

Kilalang malapit sa ilang taga-showbiz ang negosyanteng ito na hindi pa naman katandaan.

Bago umano nito naka-relasyon ang aktres, nauna nitong nakarelasyon ng matagal-tagal ang TV host na kilala naman dati na ring karelasyon ng may asawa.

Hmmm, parang nakakaloka ang kuwentong ito. May idea na kaya ang mister ni aktres? Ano kayang nararamdaman ng TV host na mas ma­tanda na?

Kung hindi, ewan ko na lang kung anong mang­­yayari? Maghalo kaya ang balat sa tinalupan? ‘Wag naman sana.

Abangan natin ang kuwentong ito.

* * *

Sino bang mas matanda kina KC Concepcion at dating girlfriend ni Diether Ocampo na si Rima Ostwani?

Sa live interview ni KC kay Rima last Sunday sa The Buzz na ngayon ay sasabak na rin sa showbiz, panay ang ‘po’ at ‘opo’ niya sa mga tanong ni KC.

 “It was really a leap of faith because it was something na I thought hindi ko po kaya. It’s not easy, mahirap po siya. It needs a lot of strength, confidence talagang kinakabahan po ako.

“But I promise to give my best. I hope na susuportahan ninyo po ako,” she said.

Ready na raw siya sa mga intriga.

Wait, ilang taon na ba si Rima?

Ilang taon kasi siyang nababalitang nagta-trabaho sa isang sosyal na department store.

ABANGAN

AKTRES

ANO

BUT I

CONCEPCION

DIETHER OCAMPO

HMMM

ILANG

ISANG

RIMA OSTWANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with