^

PSN Showbiz

Kahit imbitahan pa, Direk Dominic iisnabin lang ang wedding ni Krista

- Veronica R. Samio -

Mabuti na lamang at hindi natuloy ang balak na pagpapakasal dito sa Pilipinas ng mag-asawang Nino Lim, isang matagumpay na negosyante sa US, at ni Krista Ranillo. Hindi lamang si Krista ang siguradong pagpipistahan ito kundi maging ang mga napabalitang ex niya na mga popular din na personalidad sa larangan ng showbiz. Baka mabuhay pang muli ang intriga sa kanya sa isang kilalang pulitiko at atleta na pinaniniwalaan pa rin ng marami. Makaaapekto pa sa ma­sayang pagsasama nilang mag-asawa.

Pero walang takot na maintriga si Direk Do­minic Zapata ng GMA 7. Contrary to what many believe, ma­ayos ang naging paghihiwalay nila ni Krista, may closure sila at magkaibigan pa ang turing sa isa’t isa. Kahit hindi maganda ang imahe na nalikha niya sa tao bunga ng sinasabing romansa niya sa isang celebrity, ang kabaitan niya at kabutihan bilang isang tao ang nangingibabaw sa isipan ng magaling na direktor. Pero hindi ito sapat para pumunta siya sa kasal nito kahit pa siya imbitahan ng mag-asawa. At tama naman siya. Maiiwasan na magkaroon pa ng usap-usapan at magiging matahimik ang magi­ging kaganapan kung hindi na lamang siya dadalo. Sana ganito rin ang maging kapasyahan ng isa ring dating na-link sa magandang aktres. Baka imbitahin ito at magpasya itong dumalo. ’Yun ang pihadong magsisilbing mitsa para maging sirko ang magaganap na kasalan.

* * *

I’m sure aagaw na naman ng atensyon ng manonood sa seryeng Mutya ang karakter ni Mameng, isang baklang sirena na ginagampanan ng isang bagong aktor na dati ay kasa-kasama lamang sa grupong sinasampa­­l-sampal lang ni Chokoleit pero ngayon ay may sarili nang pangalan at indibidwa­lidad sa serye.

“Katuwaan lamang ’yung pagsampal-sampal sa amin ni Chokoleit, parang isang inisasyon sa mga baguhang nag-aartista na nagmumula sa grupong ga­ling sa mga comedy music bars. Grateful ako kay Vice Ganda. Galing siya ng Punchline na kung saan ay nagtatrabaho rin ako. Nakakasama ako sa kanyang kasikatan.

“Mahirap ding mag-portray ng sirena, nakababad ako sa tubig, kami. Mga 12 hours siguro kami sa tubig, umaangat lang kami saglit kapag may panga­ngailangan. Kung wala, wait kami sa tubig,” sabi ng bagong artista na aware na pangalan ng isang sikat na aso ang ibinigay sa kanya. Ang mahalaga ay sumikat din siya.

Siya si Reginald Marquez, may screen na Lassy sa Mutya at ’di maiiwa­sang hindi mapansin dahil siya ang pinakamakulit na sirena sa karagatan. Siya rin ang pinakamaitim.

Enjoy si Lassy nang makilala ko sa presscon ng Mutya. First presscon nga niya ’yun at natutuwa siya dahil nakasama siya.

“Nagsimula ako bilang isang jester sa ASAP. Nag-graduate bilang ekstra sa Super Inggo, Pare Ko, at Princess Sarah. Limang ulit na akong nakalabas sa Maalaala Mo Kaya pero never akong nakasama sa presscon, ngayon lang. Kaya feeling ko baka ang Mutya na ang magsisilbing break para makilala naman ako.

“Ganito pala magkaroon ng presscon, parang audition sa American Idol. Ang daming nagi-interview, iba-iba ang tinatanong,” sabi ni Lassy.

AMERICAN IDOL

CHOKOLEIT

ISANG

KRISTA

KRISTA RANILLO

LASSY

MAALAALA MO KAYA

MUTYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with