Feel si Mo pero... Rhian, bagets pa para maging stepmom
Sa tarpaulin ng I Heart You Pare lang nalaman ni Ogie Alcasid na ginagamit na ni Regine Velasquez ang apelyido niya at natuwa siya sa gesture ng asawa.
“I was so touched by that gesture, ’di ko talaga alam. Ang alam ko ang mga artista ’pag nag-asawa, ang stage name pa rin ang ginagamit, pero si Regine, ginamit na ang surname ko, I’m touched,” sabi ni Ogie.
Ilang araw na lang at Valentine’s Day na pero wala pang plano sina Ogie at Regine. May fund-raising concert silang pupuntahan bilang suporta sa member ng Tux na may sakit. Magkasama rin sila sa Feb. 12, I Valentine U concert sa ballroom ng Crowne Plaza na produced ng Royale Artists Management.
Nadagdagan pala ang schedule ni Ogie dahil involved siya sa OMP KLIK o Kulturang Lahi Inuuna Ko na sa pakikipagtulungan kay 2nd district Representative Freddie R. Tinga, Department of Education, Department of Tourism, at Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit o OPM na kanyang pinamumunuan, muli nilang pasisiglahin ang interes ng young Filipinos sa OPM music via education.
Mag-i-sponsor ang mga kongresista ng music teacher at music class sa mga 4th year high school students sa public school sa kanilang distrito at i-impliment na ito sa darating na school year sa tulong pa rin ni Prof. Ryan Cayabyab.
* * *
Natuwa si Rhian Ramos sa Soulmates episode nila ni Richard Gutierrez sa My Valentine Girls dahil comedy ito na matagal niyang na-miss. Pinaglaruan niya ang kayang karakter pero hindi siya naging OA. Sa trailer pa lang, makikita nang nag-enjoy siya ng husto.
May kissing scene rin sila ni Richard na maayos na nagawa dahil mas comfortable na siya, hindi na bata ang tingin sa kanya ng aktor at may familiar feelings na between them. “Pero siyempre may konting shyness, parang everything is new,” say ni Rhian.
Anyway, wala pa ring tuwirang pag-amin si Rhian sa relasyon nila ni Mo Twister. Pero sa mga sinabi nitong tanggap niya ang pagkakaroon ng anak ni Mo, humirit siya ng “but I’m too young to be a stepmom.”
- Latest