^

PSN Showbiz

Nag-design ng Eiffel Tower may koneksiyon sa 'Pinas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Mahirap i-describe ang ganda ng winter ng Paris.

Yup, the French capital simply shimmers. Sa kabila ng lamig ay mararamdaman mo ang glow of a vibrant city in the air.

Kasama ako sa grupo ni Nanay Lolit Solis with Shirley Pizarro and Jojo Gabinete that spent three “fantastique” days in Paris last week. Ini-expect naming maraming snow at freezing ang weather following an icy spell that gripped Europe sa pagsisimula ng taon, pero suwerte kami dahil the weather had cleared at sa umaga lang umuulan and the cold was bearable enough para malibot namin ang Paris.

Malapit lang ang tirahan namin sa Champs Elysees, city’s main avenue.

Sabi nga ng mga French, ang Champs Elysees ang most beautiful avenue sa buong mundo at sang-ayon ako.

May sariling charm ang nasabing lugar kung saan makikita mo ang mga cafes, museums, auction houses, designer boutiques, isama pa ang history ng mga lugar.

Puwede ring lakarin lang ang Arc de Triomphe na itinayo ng French emperor na si Napoleon Bonaparte para sa victory ng mga military.

At tulad ng isang ordinaryong tourist, una naming pinuntahan ang Eiffel Tower, sunod ang Notre Dame De Paris, Le Museo Du Louvre (ang pinakasikat na art museum kung saan matatagpuan ang popular piece ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa), Palace Dela Concorde, at Le Moulin Rouge at marami pang ibang madadaanan sa paglilibot sa Paris.

Pero isang interesting na his­torical note: Somehow may ko­neksiyon pala ang France at Pilipinas. Si Gustave Eiffel na nagtayo ng famous Eiffel Tower ay siya rin palang nag-design ng Quezon Bridge sa Maynila. Sinasabi ring involved siya sa design ng San Sebastian Church sa Mendiola.

Tulad ng kuwento ni ’Nay Lolit, dumaan din kami sa lugar kung saan naaksidente si Princess Diana sa isang car accident noong 1997.

Nakilala rin namin si Tita Babette Aquino na nauna nang naikuwento ni ’Nay Lolit ang koneksiyon kina Kris Aquino ang Dr. Vicki Belo.

Totoo, hindi mo na kailangang pla­nuhin para libutin ang City of Lights, ang simpleng paglalakad sa lugar ay isa nang pamamasyal.

Maraming salamat kay Dra. Belo at kay ’Nay Lolit sa magandang karanasan sa Paris.

CHAMPS ELYSEES

CITY OF LIGHTS

DR. VICKI BELO

EIFFEL TOWER

KRIS AQUINO

LE MOULIN ROUGE

LE MUSEO DU LOUVRE

MONA LISA

NANAY LOLIT SOLIS

NAY LOLIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with