GMA Network magpapatibok ng puso ngayong love month
MANILA, Philippines - ‘‘Dahil ang maGMAmamahal, natural sa Kapuso.’’
Ito ang dahilan sa likod ng pagdiriwang ng GMA Network, Inc. ngayong Pebrero ng Kapuso Month. Puno ng love-filled offerings ang Kapuso na magpapatindi ng damdamin ng mga manonood.
Sa panimula ng Kapuso Month, pagsasamahin ng GMA 7 sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes sa primetime television sa romantic comedy, I Heart You Pare. Ang pinakaaabangang serye — na mula sa makulay na mundo ng Club Love, kung saan nagrereyna ang mga drag queen — ay magsisimula sa Pebrero 7 sa GMA Telebabad.
Sa Dramarama sa Hapon, mapapanood ng mga Kapuso fans ang mga bagong programa: Nita Negrita, kasama sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio; Sisid kasama sina Jackie Rice at Dominic Roco; at Magic Palayok nina Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Nadine Samonte, Angeli Nicole Sanoy, at Ms. Cherie Gil.
Sa Pebrero 9, mapapanood sa mga sinehan ang handog ng GMA Films at Regal Entertainment na My Valentine Girls. Dito masusubaybayan ang romantic trilogy na magtatambal sa Kapuso hunk na si Richard Gutierrez kina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo. Ito rin ang debut movie ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward.
Sa Pebrero 13, subaybayan ang international singing sensation na si Charice sa GMA special, Charice: Home for Valentine’s.
Sa buong Pebrero, siguradong tatangkilikin ang iba’t ibang Kapuso Month festivities tulad ng pagdalo sa Bacolaodiat Festival sa Bacolod City sa Pebrero 4; sa Paraw Regatta sa Iloilo City sa Pebrero 18-19; at sa Panagbenga Flower Festival sa Baguio City sa Pebrero 27.
At mula Feb. 14, puwedeng ipadala ng mga subscribers ang kani-kanilang love quotes at pick up lines para sa pagkakataong manalo ng cash at iba pang papremyo. Upang makasali, i-text lang ang PUSO <space> love quote o pick up line at ipadala sa 4627. Ang winner ay malalaman sa electronic raffle at ino-notify sa pamamagitan ng text.
- Latest