May konek sa Paris pag-amin ni Piolo tungkol kay KC hindi na nakaka-shock
Paris, France — Nandito ako ngayon sa Paris sa sosyal na condo unit ni Dr. Vicki Belo.
Kasama ko sina Salve Asis, Jojo Gabinete, at Shirley Pizarro.
Sobrang lamig ngayon sa Paris kaya balot na balot ang lahat ng mga Parisian. Parisian daw o!
Mabait ang driver na sumundo sa amin kahapon sa airport dahil inikot muna niya kami sa mga tourist spots sa Paris. Dinala pa niya kami sa tunnel na kinamatayan ni Princess Diana noong 1997.
Alas-sais ng umaga nang dumating kami sa Paris pero dahil winter, madilim na madilim pa ang buong paligid.
Maraming-maraming salamat kay Mama Vicki dahil sa napaka-bongga na accommodation at trip to Paris, France.
Pang-limang biyahe ko na sa Paris. Si Douglas Quijano ang kasama ko sa first trip at sinundan ito ng mga biyahe namin ni Gabby Concepcion noong in demand pa sa Europe ang mga shows para sa Filipino community.
Year 2008 ang huling bakasyon ko sa Paris at nag-enjoy ako ng husto dahil maraming bansa ang napuntahan ko.
* * *
Hindi ako na-shock sa balita na may relasyon sina Piolo Pascual at KC Concepcion.
Noon ko pa narinig ang tsismis na nakumpirma dahil sa pag-amin nila.
May connect sa Paris ang relasyon nina KC at Piolo. Naging close sila nang gawin nila sa Paris ang Tagalog version ng Lovers In Paris.
* * *
Na-touch ako nang magkita kami ni Papa Manny Pangilinan noong Sabado dahil sa kanyang dialogue na nanonood siya ng Startalk.
Totoo pala ang mga naririnig ko na updated si Papa Manny sa mga nangyayari sa television industry dahil mahilig siyang manood ng TV.
Binanggit nga niya sa akin na muntik nang lumipat sa TV5 si Papa Ricky Lo pero nag-stay ito sa GMA 7.
Kung natuloy ang pag-oober da bakod ni Papa Ricky, siya sana ang co-host sa Paparazzi.
Maraming salamat kay Papa Manny dahil sa panonood niya ng Startalk.
- Latest