Solenn game na makipaglaplapan kay Glaiza
Sa nabasa naming schedule this week ni Kris Aquino, sa Thursday at Friday ang rehearsal niya para sa game show na Price is Right na kanyang iho-host. Saturday naman ang pilot taping pero walang nakalagay kung kailan ang pilot ng show.
Naintriga naman kami sa schedule ni Kris kahapon dahil nakipagkita siya sa isang fiscal sa Makati. May kinalaman kaya ang meeting niya sa fiscal na annulment nila ni James Yap? March na ang first hearing ng annulment case at kung maaayos ang hearing at mabilis maaksyunan, magiging “single” uli ang status ni Kris.
This Tuesday naman ang recording ni Kris ng bagong album sa Universal Records at sa Sunday, Feb. 6, after her medical mission in Batangas in the morning, magho-host siya ng Blackberry’s In The Name of L.O.V.E. event sa Trinoma Activity Center na dadaluhan ng Kapamilya at Kapuso talents.
* * *
Sina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff ang cover ng February issue ng Cosmo magazine na tamang-tama ang labas dahil showing sa Feb. 9 ang movie nilang My Valentine Girls, kung saan silang dalawa, kasama si Lovi Poe, ang mga bida sa BBFF episode sa direction ni Andoy Ranay.
Samantala, may bagong TV show si Solenn entitled Fashbook at sa Q Channel 11 mapapanood at tila kasama sina Raymond Gutierrez at Alyanna Martinez. Mukhang isa ang Fashbook sa mga bagong show ng istasyon na gagawin ng news channel.
Kung hindi mapapalitan, ang next movie ni Solenn ay ang Mahinhin vs. Mahinhin nina Ogie Alcasid at Dennis Trillo at nagpahayag na ito na open siyang makipag-kissing scene kay Glaiza de Castro na gaganap na tomboy sa nasabing pelikula.
Anyway, sa Feb. 8, ang premiere night ng My Valentine Girls sa Cinema 9 ng SM Megamall na dadaluhan ng buong cast.
* * *
Nakatutuwa si Ruffa Gutierrez dahil mabilis na binawi ang naunang galit niyang tweet na hindi naman nagbigay ng clue kung sino ang pinatutungkulan.
Ang unang tweet ni Ruffa ay “A WARNING to all: DO NOT text or call me, hindi mo kayang panindigan cuz one day your web of lies will come crashing down on you.”
Pero ilang minutes lang, heto naman ang kanyang tweet, “I am Ms. Congeniality therefore I changed my tweet” at nagpasalamat sa reminder ni Angeli Pangilinan-Valenciano.
Pero kahit binawi ni Ruffa ang unang tweet, nabasa na ’yun ng kanyang mga followers na naghulaan kung sino ang kanyang pinatutungkulan.
* * *
Marami ang nag-congratulate kina Piolo Pascual at KC Concepcion after i-report sa The Buzz na sila na. Ang sagot ng pasasalamat ni KC ay nabasa namin sa kanyang Twitter account.
Sabi ni KC: “Thank you to all those who are ever supportive of me and Piolo…those who have been there from the very start, kasama kayo sa journey namin.”
Sabagay, ini-expect nang magiging sina KC at Piolo dahil lagi silang magkasama at nagkakakaintindihan sila. Major thing din na pabor si Sharon Cuneta sa relasyon ng anak sa aktor. Ano kaya ang masasabi rito ni Gabby Concepcion? Nasaan nga ba si Gabby?
- Latest