Para mabura ang record na nakulong dahil sa cocaine Bruno Mars bawal makipag-away ng isang taon
“Ma’am magsyota ba sina Chin Chin Gutierrez at Roy Alvarez?” tanong ng kaopisina kong si MD.
“Nakita ko kasi silang magkasama sa Star City. Sweet sila, nagyayakapan,” tuloy na kuwento ng kaopisina ko. “Pero pareho silang hindi namamansin kahit binati ko na. Parang walang mga nakikitang ibang tao.”
Ang ikinatataka niya, bakit parang hindi man lang nag-ayos ang magsyota kung sila na nga. Si Chin Chin daw, parang sa palengke lang pupunta at hindi man lang naisipang maglagay ng kahit kaunting makeup.
Enjoy ang dalawa sa paglalaro na parang mga batang magdyowa.
May something in common ang dalawa — pareho silang concerned sa kalikasan kaya siguro nagkasundo sila.
Teka, sayang si Chin Chin. Bakit wala siyang project? Maaasahan pa naman siya sa aktingan.
* * *
Magbabayad na lang ng fine at gagawa ng community service si Bruno Mars, ang pop singer na may dugong Pinoy at nakatakdang mag-concert sa bansa na nahulihan last September ng cocaine, ayon sa report ng The Associated Press. Ito ay bilang bahagi ng plea deal ng singer tungkol sa nasabing kaso.
Ayon sa defense lawyers na sina David Chesnoff at Blair Berk, oras na magbayad ng $2,000 na fine at gumawa ng 200 hours na community service ang singer, kasama na ang drug counseling at hindi makasama sa anumang gulo sa loob ng isang taon, lalabas sa record niya na hindi siya nakulong.
“Bruno is very appreciative he is being given this opportunity as a first offender not to suffer any conviction and instead to have his charge dismissed,” ayon sa defense lawyer na na-quote ng AP.
Isang gabi siyang nakulong sa Clark County sa Las Vegas matapos siyang mahulihan umano ng cocaine sa banyo ng Hard Rock Hotel & Casino sa LA.
* * *
Personal: Belated happy birthday kay Ishko Lopez ng presidential news desk. Cheers, kafatid!
- Latest