^

PSN Showbiz

Yasmien 'di kayang magpaka-plastic kay Baron

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pahulaan pa ang TV network na magiging media partner ng Miss World Philippines pero may mga nagsasabi na may negotiation sa pagitan ni Cory Quirino at ng mga bossing ng TV5.

Si Cory ang organizer ng beauty contest na da­ting hawak ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI). Imposible na mapanood sa ABS-CBN ang Miss World Philippines beauty pageant dahil ang Kapamilya ang bagong media partner ng Bb. Pilipinas contest. Hindi papayag si Mrs. Stella Marquez de Araneta na may ka-share sa ABS-CBN ang kanyang itinataguyod na beauty contest.

* * *

Mga mukhang professional singers na sina EJ Salamante at Adrian Lopez dahil sa complete make-over na ginawa sa kanila ng Eat Bulaga staff.

The who sina EJ at Adrian? Sila ang mga magagaling na singers na na-discover nang magpunta noon sa Cavite ang mga hosts ng Eat Bulaga para sa Juan for All.

Sina EJ at Adrian ang mga pinakanta ni Jose Manalo at naloka ang lahat ng mga nanonood dahil ang galing-galing nila. Manghang-mangha si Vic Sotto kay EJ, lalo na nang kumanta ito habang nakahiga.

Ang kanilang mga pambihirang talent sa pagkanta ang dahilan kaya nabigyan sina EJ at Adrian ng regular exposure sa No. 1 noontime show ng bansa. Hindi na maabot ang dalawa dahil sa kanilang production number kahapon, si Sen. Tito Sotto lang naman ang tumugtog ng gitara habang kumakanta sila.

Hindi na mabilang sa daliri ang mga singers at artista na na-discover sa Eat Bulaga. Living proof sina Alice Dixson, Jericho Rosales, Aiza Seguerra, ang Sexbomb, at marami pang iba.

* * *

Baby boy ang magiging anak nina Krista Ranillo at Nino Lim. Sure nang magiging American citizen ang bagets dahil isisilang siya sa Amerika ng kanyang ina.

Sa unang linggo ng April ang due date ni Krista kaya lalo nang lumabo ang posibilidad na makauwi siya ng Pilipinas bago siya manganak.

Congrats in advance kina Krista at Nino! Masuwerte ang panganay nina Krista at Nino dahil loving parents ang kanyang mga magulang. Tiyak na magiging mabuting ina si Krista dahil mabuti at mapagmahal siya na anak at kapatid.

* * *

Sinabi sa akin ni Yasmien Kurdi na nag-usap na sila ng abogado niya tungkol sa aksyon nila sa kaso ng graft and corruption na isinampa ni Baron Geisler laban sa kanya.

Ipinauubaya ni Yasmien sa mga tao at sa korte ang paghuhusga kung guilty nga ba siya sa kaso na ibinibintang sa kanya ni Baron.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang idemanda ni Yasmien si Baron at hanggang ngayon, dinidinig pa rin ang kaso. Nasabi sa akin ni Yasmien na ayaw na niyang isipin si Baron dahil napapagod na siya pero nakahanda sila ng kanyang abogado sa asunto na isinampa ng kampo ng aktor sa Ombudsman.

Twenty-second birthday ni Yasmien noong nakaraang Martes at ang demanda ni Baron ang isa sa mga birthday gifts na natanggap niya.

 Hindi plastik si Yasmien kaya deretsahan niyang sinabi na nakaramdam siya ng inis at galit nang magkita sila ni Baron sa huling hearing ng kanilang kaso. Hindi lamang si Yasmien ang sinampahan ni Baron ng kaso dahil kasama rin sa demanda ang mga pulis na tumanggap ng kanyang reklamo noong 2009.

Hindi affected ang lawyer ni Yasmien na si Atty. Ferdie Topacio sa demanda ni Baron dahil ganito rin ang ginawa ng aktor kay Patrizha Martinez, ang anak ni William Martinez na nagreklamo rin ng pang-aabuso laban kay Baron.

Hindi pala natuloy ang pagpasok ni Baron sa rehabilitation center dahil uunahin pala muna niya ang pagpapa-check up sa kanyang liver.

vuukle comment

ADRIAN

ADRIAN LOPEZ

AIZA SEGUERRA

BARON

DAHIL

EAT BULAGA

KRISTA

MISS WORLD PHILIPPINES

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with