Wala talagang permanenteng kaaway, interes lang, Mariel at Toni magsasama sa isang noontime show
Seen : Carbon copy ni Martin Nievera ang kanyang bunsong anak na si Santino Martin. Anak ni Martin si Santino sa kanyang girlfriend na si Katrina Ojeda.
Scene : Magsasama sa bagong noontime show ng ABS-CBN sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga. Patutunayan nina Toni at Mariel na totoo ang kasabihan na walang permanenteng kaaway sa showbiz, permanent interests lamang.
Seen : Mababa ang ratings ng Bianong Bulag, ang unang series ng Agimat: Ang Ikalawang Pagsabak na tinatampukan ni Jason Abalos.
Scene : Cheap gimmick ng isang hair removal product company ang elevator scandal video ni Daniel Matsunaga.
Seen : Si Julio Diaz sa presscon ng Babaeng Hampaslupa. Presentable na ang itsura ngayon ni Julio kesa noong mga nakaraang taon.
Seen : Ikakasal sa 2012 sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz at beach wedding ang kanilang napagkasunduan.
Scene : Sa March 2011 ang tentative playdate ng Tum, My Pledge of Love, ang pelikula nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla na kinunan sa India. Busy si Robin sa editing ng pelikula nila ni Mariel.
Seen : Ngayon ang 32nd birthday ni Marvin Agustin. Seventeen years old si Marvin nang magsimula ang kanyang showbiz career.
- Latest