^

PSN Showbiz

Makisaya sa Year of the Metal Rabbit

-

MANILA, Philippines - Kung Hei Fat Choi. Ito ang madalas mong maririnig lalo na’t papalapit na ang Bagong Taon ng mga Tsinong Year of the Metal Rabbit na idaraos sa February 3. At ito rin ang pamagat ng episode ng Life and Style with Gandang Ricky Reyes sa darating na Linggo alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga sa QTV-11.

Ipapasyal tayo ni Mader Ricky sa Binondo o ang tinatawag na Chinatown of the Philippines para sa karagdagang kaalaman tungkol sa buhay-buhay ng mga naninirahan doon.

Pag bagong taon tiyak na may tikoy, hopia, at iba pang matatamis na pagkain kaya dadalawin ng show ang Eng Bee Tin bakeshop kung saan ipapaliwanag ng may-aring si Mr. Larry Chua kung bakit pinaniniwalaang ang mga ito’y nagdadala ng suwerte at magandang buhay kapag nakahain sa mesa sa pagpasok ng taon. Magkakaroon din ng demo-on-the-air si Mr. Chua kung paano lutuin ang mga ito.

Bibisitahin din natin ang mga Filipino-Chinese celebrity na sina Tim Yap at Divine Lee at ipakikita nila ang mga bagay at palamuti na pinaniniwalaan nilang nagbibigay ng suwerte.

Itatampok din ang pahayag ni Antonio Suvega tungkol sa natuklasan niyang ika-13 zodiac sign na OPHIUCHUS na ikinagulat ng mga tao sa buong mundo at ngayo’y pinagtatalunan kung dapat bang paniwalaan o hindi.

Ang Life and Style ay produksiyon ng ScriptoVision

ANG LIFE AND STYLE

ANTONIO SUVEGA

BAGONG TAON

CHINATOWN OF THE PHILIPPINES

DIVINE LEE

ENG BEE TIN

GANDANG RICKY REYES

KUNG HEI FAT CHOI

LARRY CHUA

LIFE AND STYLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with