AiAi sososyo na sa mga gagawing pelikula
Kanya-kanya ng suggestion ang mga reporter na pumunta kahapon sa presscon ng Mariko sa female celebrity na puwedeng maging endorser ng bagong skin and beauty clinic na kilala sa Japan.
May mga nagbanggit sa pangalan nina Iwa Moto at Kim Chiu dahil mga mukhang Japanese sila. May mga nagsabi na qualified si Venus Raj dahil challenge sa Mariko na paputiin ang kanyang balat.
Welcome sa mga may-ari ng Mariko ang lahat ng suggestion para hindi sila mahirapan na maghanap ng image model.
May limang branch ang Mariko, sa San Juan, Makati, Pasay, Mandaluyong at Quezon City. Very affordable ang services ng Mariko dahil ang ma-reach ang masa ang main objective nila.
* * *
Natanggap ko na ang MTRCB deputy card ko mula kay MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares kaya maraming-maraming salamat sa kanya.
Kauupo pa lamang ni Mama Grace sa puwesto pero naipakita niya agad na qualified siya sa posisyon na ipinagkatiwala sa kanya ni P-Noy.
Perfect na pinuno ng MTRCB si Mama Grace dahil may malasakit at pagmamahal siya sa entertainment industry.
* * *
Sariling effort ni AiAi delas Alas ang Thanksgiving dinner niya para sa entertainment press noong Martes ng gabi.
Nagpasalamat si AiAi sa showbiz press dahil sa suporta sa kanyang MMFF movie, ang Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To na extended ang showing sa mga sinehan kaya bawing- bawi ang puhunan ng Star Cinema.
In fairness kay AiAi, gumastos din siya ng sariling datung para sa promo at publicity ng kanyang award-winning movie. Pati ang kanyang manager na si Boy Abunda, may share din dahil sinagot ni Kuya Boy ang pagkain sa Thanksgiving dinner.
Bibihira ang mga artista na katulad ni AiAi na naglalabas ng sariling pera para sa kanyang pelikula dahil hindi naman siya co-producer. Alam na natin ang dahilan kaya tuluy-tuloy ang pagtanggap niya ng blessings mula sa Itaas.
* * *
May mga pelikula pa si AiAi na gagawin sa Star Cinema at puwedeng pang-MMFF uli ang kanyang next project.
May plano si AiAi na maging industrial partner sa kanyang mga susunod na pelikula.
Si AiAi na talaga ang female version nina Mang Dolphy at Vic Sotto dahil hindi na kumpleto ang MMFF kung wala siyang entry.
* * *
Invited ako sa grand presscon ng Babaeng Hampaslupa pero hindi naman ako makakapunta dahil gabi.
I’m sure, ipapadala naman sa akin nina Peachy Guioguio at Lhot Ortega ang aking press kit dahil alam nila na masipag ako sa pagsusulat tungkol sa mga project ng TV5.
Ang Babaeng Hampaslupa ang primetime show ng TV5 na magsisimula sa February 7 at papalit sa timeslot ng My Driver Sweet Lover na malapit nang magbabu sa ere.
- Latest