Dahil sa katalinuhan, Charlene ginawan ng sariling rebulto
Kasama pala si Charlene Gonzales-Muhlach sa QuattroMondial sculpture monument para sa celebration ng 400 Centennial Anniversary ng University of Sto. Tomas.
Ang nasabing sculpture ay yari sa cast bronze and carved solid glass blocks. May taas itong 10 meters high mula sa ibaba kasama ang granite base. Binubuo ito ng apat na human figures : isang male student, isang female student, an academician at Dominican priest.
Isang taon at kalahati umano itong binuo at nakasama nga ni Charlene bilang models sina Rev. Fr. Dela Rosa, Rector ng UST, Piolo Pascual at ang anak ng sculptor mismo na si Monina Orlina. Sila ang napili dahil naniniwala ang sculptor na sila ang nararapat para sa historical at cultural landmark ng eskuwelahan na panghabang-buhay.
Mismong ang bantog na sculptor ang may gusto na maging modelo si Charlene representing the academician na hawak ang libro ng kaalaman dahil naniniwala itong bukod sa pagiging UST Alumni ni Charlene, may beauty, talent, stature at wholesome ang image ng asawa ni Aga na isang role model sa buong eskuwelahan.
Super deserving si Charlene sa pagkakapili sa kanya.
Kilalang walang intriga sa katawan ang TV host.
Actually, magdo-doktor sana si Charlene pero hindi na natuloy. Graduate siya ng Psychology sa UST.
Pero kumuha naman siya ng short course sa UCLA.
* * *
Kung anu-ano palang preparation ang ginawa ni Lovi Poe para sa kissing scenes nila ni Richard Gutierrez sa pelikulang My Valentine Girls.
Nang malaman niyang meron silang laplapan ng aktor, nag-wish siya na sana ay hindi agad para nga ready siya.
“Gusto ko kasi na makapag-bonding muna kami ni Chard dahil first time namin to work with each other pero inaamin ko na matagal ko na siyang crush. High school pa lang ako, pinapanood ko na siya sa Mulawin,” consistent na kuwento ng aktres.
Ka-triyanggulo ni Lovi kay Richard si Solenn Heussaff sa My Valentine Girls, at alam din ni Lovi na maugong ang tsismis tungkol kina Chard at Solenn. “Siyempre aware ako kaya ‘di ako magpapatalbog kay Solenn,” patawang sinasabi ni Lovi.
Sino kaya sa kanila ang nagwagi?
Dapat watch natin ang pelikula nila sa ika-9 ng Pebrero na pinagbibidahan nga nina Richard, Lovi at Solenn mula sa GMA Films and Regal Films, sa direksiyon ni Andoy Ranay. Kasama rin sa episode ni Lovi, Richard at Solenn si Akihiro Sato at Rocco Nacino.
* * *
“Kuya ko lang po talaga siya. Inihatid niya ako sa bahay kasi si Ate (Anne Curtis), may lakad pa after ng dinner namin, so nagpahatid na lang ako kay kuya,” paliwanag ni Jasmine Curtis, nakababatang kapatid ni Anne na natsismis na huling-huling nakikipaghalikan diumano kay Luis Manzano na kaibigan ng kanyang ate.
‘Yun lang daw at hindi na talaga puwedeng lumampas doon ang kuwento.
Anyway, prinsesa ng TV5 si Jasmine. Lahat ibinigay sa kanya.
Halos dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ipakilala si Jasmine ng TV5. Kaya naman hindi maiwasan na ikumpara siya sa ate niyang si Anne. Pero mabilis ang sagot ni Jasmine : “Kahit naman po saan, parating nagkakaroon ng comparison ang sibling. So kahit siguro wala kami sa showbiz, ikukumpara pa rin kami,” sabi ni Jasmine na matatas mag-Tagalog, mas magaling pa sa ate Anne niya.
Hindi rin daw siya pinilit mag-artista ng magulang niya or kahit ng ate niya. “Never nila akong pinilit, sabi nga nila kung napapagod daw ako or hindi ko kaya, puwedeng hindi ko ituloy,” kuwento ni Jasmine kahapon.
Eh bakit sa TV5?
The best ang offer ng Kapatid Network at sila ang maga-adjust sa schedule niya sa eskuwelahan dahil pupunta pa ang crew ng una niyang programang sasabakan na Utol Kong Hoodlum sa Australia kung saan nakabase ang kanilang pamilya.
Kung dito na lang kaya siya mag-aral? Ayon kay Jasmine, ayaw umalis sa Australia ng kanyang mother dahil sa health benefits at public transportation eh siya raw mas gusto niyang nasa Australia din dahil gusto niyang alagaan ang kanyang ina.
Si JC de Vera ang kanyang unang ka-partner via Utol Kong Hoodlum na magsisimula pa lang umere sa Abril sa TV5.
Samantala, bibida rin si Jasmine sa two-part Valentine special na Jesebilbil ng Pidol’s Wonderland sa dalawang magkasunod na Linggo (Pebrero 6 at 13, 5:30-6:30pm), kung saan gaganap siya bilang sirenang naging tao kasama sina Cai Cortez, Karel Marquez at Martin Escudero sa cast.
Tatapusin ni Jasmine ang ilang eksena ng action-romance series bago bumalik ng Australia sa Pebrero para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nakatakda naman lumipad ang production team para gawin ang ilang natitirang eksena ng serye sa Sydney at Melbourne ngayong Marso.
Inaasahang babalik si Jasmine sa Manila sa Abril para sa launch ng naturang serye.
- Latest