'Dyowa' ni Enchong ibinuking ni Erich
Wala ako sa Araneta Coliseum nung birthday concert ni Sharon Cuneta. Sa TV ko na lamang napanood ang pinagpaguran niyang regalo sa kanyang mga fans, supporters, friends, and family.
Sangkatutak ang guests niya pero obvious na siya ang pinakapagod. She sang and danced with everyone of them. Isabay mo ito sa ginagawa niyang pagdidiyeta at hindi kataka-taka kung bumagsak man siya. Whether it was an accident dahil sa sobrang pagod, o for whatever reason, she had it coming.
Maganda at masaya ang birthday concert ni Sharon in totality. Napaka-star-studded. Kahit maraming duets niya ang sumasablay sila sa tono ng mga kasabayan niyang kumakanta, sa hulihan naman ng kanta ay nagbi-blend na ang mga boses nila. Narun na yata sa affrair niya ang mga pinakamaningning at pinaka-sikat na performer sa bansa. Lahat sila nagpagalingan sa pagkanta at pagsayaw. Napakasuwerte ni Sharon dahil binigyan nilang lahat siya ng panahon sa kabila ng kanilang kaabalahan din sa kani-kanilang trabaho. At hindi lamang sila dumating para batiin siya, talagang lahat sila ay nag-rehearse, nagbihis na animo’y sila ang may birthday at hindi mga bisita lamang.
Pero pinakamaganda ang gift of a performance ng panganay ng Megastar na si KC Concepcion.
Akala ko nung ipinapakita niya sa TV ang kanyang mga pasa ay nagpapaka-OA lamang siya. Paano ba siya magkakaroon ng ganun karami at kagrabeng pasa kung magsasayaw lamang siya? Nung Linggo ng gabi nakita ko kung bakit. At kung dati ay hinangaan ko ng todo-todo ang pole dancing na ginagawa ni Ciara Sotto, labis din ang paghanga ko sa ipinakitang husay ni KC sa kanyang pagsasayaw sa ere habang nakakapit lamang sa dalawang maninipis na tela.
Hindi bale si Sam Milby na kapareha niya dahil gymnast ito, magaling tumambling pero si KC hindi ko alam na may talent din pala sa mga ganung klase ng pagsasayaw.
Isa na naman ’yung karagdagan sa humahabang listahan ng kanyang mga talento.
May nakikita ng pagbabago, gaano man ito kaliit, sa ginagawang pagpapapayat ni Mega. Talagang walang imposible kapag pinangatawanan niya ang anumang gustuhin niya.
* * *
Tingnan mo nga naman maganda na ang buhay ni Imelda Papin sa Amerika, may career siya roon, sold out ang mga concerts niya at mala-hotel ang kanyang tinitirhan. Bukod sa may sarili itong swimming pool at tennis court, mayroon pa itong elevator na naghahatid sa kanya pataas at pababa ng bahay. Meron din siyang regular na palabas sa TV at programa sa radyo.
Pero umuwi muli ito ng Pilipinas matapos mag-spend ng kanyang Christmas sa US para naman mag-celebrate ng kanyang birthday ngayong Jan. 26. Dahil siguro andito ang kanyang ina na hindi sumama sa kanya nung bumalik siya ng Amerika dahil kamamatay lang ng ama ni Imelda at gusto ng kanyang ina na palaging dalawin ang puntod nito. Naiwan para samahan siya ng isang kapatid ni Imelda, si Aileen Grace Papin, na may sinisimulan na rin sanang career dun.
Sa katapusan ng buwang ito, sa Jan. 30 to be exact, may three album launching si Imelda para sa 618 International Records.
Pormal nang ilulunsad ang Bakit album na kung saan ay may duet si Imelda at Mommy Dionisia Pacquiao ng nasabing awitin.
Kasama rin sa launching ang self-titled debut album ni Aileen Grace. Pinakahuli at ikatlong bibigyan ng launching ang Inspirational Songs of Various Artists na binubuo nina Imelda, ng kanyang anak na si Maffi Papin, mga kapatid na sina Gloria at Aileen Grace, Jessica, Garry Cruz, Pastor Cesar Como, at Madrigal Siblings.
* * *
Sino kaya ang sinasabi ni Erich Gonzales na nagpapasaya ngayon kay Enchong Dee? Nabanggit niya ito sa launching niya bilang endorser ng Careline Cosmetics.
Hindi nga lamang niya binanggit ang pangalan nito o kung ito man ay artista rin o non-showbiz. Ito kaya ang dahilan kung kaya hindi apektado kaunti man si Enchong sa nababalitang pagkakamabutihan nina Erich at Enrique Gil?
Kung sabagay, itinanggi ni Erich na may espesyal silang relasyon ng co-star niya sa Shoutout.
Talagang close lang sila at madalas lumabas kapag natatapos ang show. Pero marami sila at wala itong ibig sabihin.
- Latest