^

PSN Showbiz

KC dinalas ang pinakamahirap na lugar sa Africa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kahapon ay nakapag-taping na si KC Concepcion ng Star Circle Quest For The Next Kiddie Superstars. Dumating si KC noong Huwebes ng gabi at inabot daw ng halos 22 hours ang naging trip niya from Africa.

Nagpunta si KC doon last weekend para sa kanyang kauna-unahang mission sa labas ng bansa bilang United Nation’s World Food Programme Ambassador against hunger.

Masayang-masaya si KC sa kanyang naging experience sa Uganda. “Yung mga tao doon, mahilig din sa matitingkad na kulay na suot nila, mahilig din sa mga bracelets. Mayroon ding tilapia doon na malalaki parang triple or quadruple ng tilapia natin dito. ‘Yung sitwasyon nila doon ay parang mayroon tayo sa Mindanao. Nakita ko ‘yung worst pero nakita ko rin yung best,” kuwento ni KC.

Nag-enjoy si KC sa ilang araw ng stay niya sa lugar. Anu-ano nga ba ang ginawa ng dalaga roon? “Yung first day, ‘yun ‘yung pinakamahirap pero favorite ko siya kasi malungkot ‘yung lugar and very basic. ‘Yung dry talaga ‘yung lupa, and ‘yung mga tao halos ay wala na talagang makain. Parang dahon sa puno ‘yung kinakain nila, pinapakuluan nila. Talagang naglalakad sila ng malayung-malayo para makakuha ng tubig, tapos ilalagay nila sa ulo nila. Tapos sila rin ‘yung hahanap ng pagkain at kahoy.

“Mayroong namamatay at mayroong nadi-disgrasya dahil sa paghahanap ng pagkain, pinakita nila sa akin ‘yun. Then ‘yung second and third day, ipinakita nila sa akin ‘yung ibang mga lugar na talagang gumanda na. Natuto na rin silang magtanim para sa sarili nilang food para wala na silang problema, para wala nang mag-risk ng buhay nila. Ngayon makikita mo na nagha-harvest na sila ng corn, ‘yung mga patatas ganun.

“Okay sila, nakita ko talaga ‘yung two sides. Ang ganda-ganda, ang linis ng hangin. Ang bait-bait ng mga tao. ‘Yung progress nila napaka-positive at napakaganda. Pulang-pula ‘yung mga lupa, ‘yung smile ng mga tao parang ang tagal-tagal n’yo nang magkakilala.” pagde-detalye pa ni KC.

SCQ kids, Pinapatalsik na isa-isa

Noong isang linggo ay na-out si Ogie mula sa 10 Semi-Finalists ng Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstars. Sila ang kinakitaan ng Galing Superstar, Dating Superstar at Bibong Superstar.

Dalawa lamang sa mga talented kids ang mananaig at tatanghaling Grand Kiddie Superstars, isang babae at isang lalaki.

Kaya sa pagpapatuloy ng mas matinding tagisan ng galing, labanan ng talino at lakasan ng loob ay mas mahirap ang mga pagsubok na pagdaraanan ng ating mga Kiddie Questors.

Sino kaya kina Brenna, Clarence, Kyline, Joshen, Janine, Jelo, Maurice, Kristoff at Veyda ang IN sa Magic Circle of 6? Isang batang babae ang maa-out mamayang gabi kaya abangan ang kanilang pasiklaban as the Magic continues sa Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstars sa bago nitong oras, pagkatapos ng TV Patrol Sabado!            

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIBONG SUPERSTAR

DATING SUPERSTAR

GALING SUPERSTAR

LSQUO

NEXT KIDDIE SUPERSTARS

NILA

STAR CIRCLE QUEST

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with