Engagement ring na, Marian binigyan ni Dingdong ng 3 carat na singsing
Laglag sa Best Foreign Language Film category ng Oscars ang pelikulang Noy ayon sa mga online reports na naglabasan kahapon.
Si Coco Martin ang bida sa Noy.
Sixty-six na pelikula ang unang qualified sa nasabing kategorya at magkakaroon pa ng next round ng botohan para sa 83rd Academy Awards. Kasama sa mga pumasok ang mga sumusunod : alphabetical order
Algeria, Hors la Loi (Outside the Law), Rachid Bouchareb, director;
Canada, Incendies, Denis Villeneuve, director;
Denmark, In a Better World, Susanne Bier, director;
Greece, Dogtooth, Yorgos Lanthimos, director;
Japan, Confessions, Tetsuya Nakashima, director;
Mexico, Biutiful, Alejandro Gonzalez Inarritu, director;
South Africa, Life, above All, Oliver Schmitz, director;
Spain, Tambien la Lluvia ( Even the Rain), Iciar Bollain, director;
Sweden, Simple Simon, Andreas Ohman, director.
Sa kasamaang palad, parating laglag ang mga napipiling pelikula ng Film Academy of the Philippines na ipina-review sa nasabing kategorya ng Oscars.
Mukhang wala na talagang pag-asa ang mga pelikula natin. Kada-taon, parang palala ang mga kuwento ng pelikulang Tagalog kaya paano pa nga tayo mapapasali sa Oscars.
Paano na ang industriya ng pelikulang Pinoy?
Bukod sa palalang script, nakakaalarma na mas lalo yatang mababawasan ang ipalalabas na pelikula ngayong taon.
Buong January, walang pelikulang Tagalog na ipinalabas. At least sa papasok na buwan, tatlo ang naka-schedule ipalabas : Bulong starring Vhong Navarro and Angelica Panganiban, My Valentine Girls starring Richard Gutierrez with Eugene Domingo, Solenn Heussaff, Lovi Poe and Rhian Ramos at ang Who’s That Girl? ng Viva Films starring Anne Curtis and Luis Manzano.
Sa March naka-schedule and movie nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson.
Sa April kaya meron din?
Dapat na bang mag-panic ang mga taga-showbiz sa nangyayari?
Umabot pa kaya ng 20 films ang ipalalabas ngayong taon?
* * *
Hmmm, parang hindi ko pa nakikitang suot ni Marian Rivera ang 3 karat diamond ring na bigay ni Dingdong Dantes last Christmas.
Yup, 3 karat na singsing daw ang regalo ng aktor kay Marian last Christmas. Mismong ang alahera ang leak ng tsismis tungkol sa nasabing ring na hinanap pa raw ng aktor para sa girlfriend na aktres.
Naungkat na dati ang nasabing issue pero tinatawanan lang ni Marian.
Christmas gift lang kaya ‘yun o engagement na?
Ganda talaga ni Marian. Ang mahal nun ha. Seryosohan na talaga sila. Kaya ‘wag tayong magugulat kung magiging Mr. & Mrs. Dantes sila mga two years from now.
- Latest