^

PSN Showbiz

Baron may amnesia!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natuloy ang emergency meeting ng PAMI sa Via Mare restaurant noong Miyerkules. Nagpatawag ng meeting ang PAMI dahil sa reklamo ni Cherry Pie Picache na pambabastos sa kanya ni Baron Geisler sa set ng Noah.

Heto ang official statement at mga napagkasunduan ng PAMI tungkol sa insidente:

1. All PAMI managed artists should not be exposed to incidents like this again for their safety and security

2. We are requesting the assurance from all networks and movie producers to ensure that any actor in an intoxicated state should not be allowed on the set

3.That Baron should publicly apologize to Cherry Pie Picache

4.To inhibit all PAMI managed artists from working with Baron until such time that PAMI believes Baron Geisler is fully rehabilitated.

Nainterbyu si Baron ng mga TV reporter sa hearing ng kaso nila ni Yasmien Kurdi sa Bulacan pero hindi siya nag-sorry kay Cherry Pie o kahit kay Yasmien.

Nanindigan si Baron na hindi niya binastos ang sinuman kina Cherry Pie at Yasmien kaya napaiyak ito. Frustrated na frustrated si Yasmien sa sinabi ni Baron dahil siya pa ang nagmukhang nag-iimbento ng kuwento, pati na ang maraming saksi sa pambabastos sa kanya.

Iba ang basa ng mga pilit na inuunawa ang behavior ni Baron. Mabilis mala­sing si Baron kapag nakainom ito ng alak at sa sobrang kalasingan, baka nalimutan niya ang kanyang ginawa.

Nagtataka ang mga moralista dahil tatlong babae na ang nagrereklamo na binastos sila ni Baron at dalawa na ang kaso na nakasampa sa korte pero hindi pa siya tumitigil. Kailan ba raw maglalabas ng desisyon ang korte? Nagtaka pa kayo eh nasa Pilipinas tayo? 

Yaman nabunyag: Pacman $ 70 million; Charice $ 12M; Arnel Pineda $15M

May contribution sa column ko ngayon ang PSN reader na si Jocelyn Patterson. Wala raw magawa si Jocelyn kaya naisip niya na magpadala sa akin ng e-mail at i-share ang kanyang discovery sa isang website.

Ang website ng celebritynetworth.com ang na-discover ni Joce­lyn at nakalagay daw sa nasabing website ang worth, in dollars ha? ng mga Pinoy na kilala sa buong mundo.

   Ang sabi ni Jocelyn, worth US$12 million si Charice, $15 million si Arnel Pineda at US$70 million naman ang halaga ng kabuhayan ni Manny Pacquiao.

Limpak-limpak na dolyares ang kinita ni Manny mula sa kanyang mga hindi mabilang na laban sa Amerika kaya tanggap ng mga intrigera na bilyonaryo na ang status niya.

Medyo alinlangan ang mga intrigera na paniwalaan ang mga kayamanan nina Charice at Arnel. Maniniwala raw sila kung magpapakita ng katibayan ang dalawang singer. Pumayag kaya sila na ibuyangyang sa publiko ang kanilang mga ari-arian para i-prove na mga richie rich na sila?

Namamasko po, Huling gabi na!

Ngayon ang huling gabi ng Jillian: Namamasko Po na hindi na puwedeng i-extend dahil matagal nang tapos ang Christmas.

Ang Machete ang ipapalit sa timeslot ng Namamasko Po. Mauuna ang Dwarfina at susundan ito ng primetime show ni Aljur Abre­nica. Mag-uumpisa sa Lunes ang Machete kaya maya’t maya na ang pagpapakita ng GMA sa teaser nito.

vuukle comment

ARNEL PINEDA

BARON

BARON GEISLER

CHARICE

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

NAMAMASKO PO

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with