Boto Mo, i-Patrol Mo TV plug nakamit ang pinakamataas na award sa Araw Values
MANILA, Philippines - Panalo ng kabuuang limang awards ang ABS-CBN sa ginanap na Araw Values Advertising Awards, kabilang na ang pinakamataas na parangal na Platinum award, para sa Boto Mo, i-Patrol Mo Instrumento advertising campaign.
Ang Instrumento ad ay ginawa upang maengganyo ang mga Pilipinong makilahok sa 2010 presidential elections. Tampok dito ang mga ordinaryong mamamayan na tinututukan ang kanilang kapaligiran, at inirereport ang anumang anomalya. Kinilala ito sa pagtutulak sa mga taong gawin ang kanilang parte upang matiyak ang malinis at tapat na eleksiyon.
Maliban sa nakamit na pinakamataas na parangal, apat sa anim na gold awards ang napanalunan din ng ABS-CBN.
Ang 2009 Christmas station ID na Bro Ikaw ang Star ng Pasko ay pinarangalan sa mensahe nitong pagmamahal sa Maykapal, at pagkilala sa kanyang mga biyaya. Ipinakita sa ad na ito kung paanong nagtulungan ang mga Pilipino upang malampasan ang pagsubok na idinulot ng bagyong Ondoy.
Ang Bagong Simula naman, na ginawa para sa advocacy campaign ng kumpanya na BayaniJuan, ay kinilala sa mensahe nitong pagtutulungan upang manumbalik ang sigla ng bansa.
Ang Tipid Tubid radio ad at Pawikan TV ad naman ay nanalo sa pag-engganyo nitong alagaan ang kapaligiran.
Nahigitan ng mga winning entries ng ABS-CBN ang halos isandaang mga kasali sa ilalim ng Advocacy Communication category.
- Latest