^

PSN Showbiz

Contract hinihintay na lang matapos, aktres na nakakaisang show pa lang sa nilipatang channel lilipat na naman ng network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May nagpu-float na balitang lilipat na naman sa ibang network ang actress na bagong lipat sa isang istasyon. Hihintayin lang daw nitong mag-expire ang kontratang pinirmahan sa nilipatang network at mag-oober da bakod na naman.

May gagawin sanang show ang actress sa bagong network, kaso walang makitang time slot na paglalagyan ng show. Baka ang mangyari nito’y matapos ang pinirmahang kontrata na iisang show lang ang nagawa niya, gayung two shows ang kanyang pinirmahan.

Magaling at sikat na actress ang aming tinutukoy, nakakagulat kung bakit hindi siya mahanapan ng time slot.

* * *

Ang comedy-horror movie na Bulong ang pang­buwena-mano ng Star Ci­nema this year at bida sina Angelica Panganiban at Vhong Navarro. Sa reaction nang nakapanood na ng trailer ng movie na showing sa February 2, matutupad ang wish ni direk Chito Roño na matakot at tumawa ang moviegoers.

Hindi magkapareha rito sina Angelica at Vhong dahil si Bangs Garcia ang love interest ni Vhong, pero ang dalawa ang bida at sa kanila iikot ang is­torya ng Bulong. Kuwela sa amin ang role ng aktres na isang parlor/bar owner at fake ispiratista. Sa ospital naman ang role ni Vhong.

Ang muling makatrabaho si direk Chito ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Angelica ang project. Naidirek siya nito sa Separada, fan siya ng director at favorite niya ang horror movies na mga ginawa nito. Lalo pa siyang natuwa nang malamang makakasama niya si Vhong na kaibigan niya.

* * *

Nanay ni Louise delos Reyes ang role ni Jean Garcia sa Alakdana and for a change, mabait siya rito. Naninibago rin ang aktres dahil mahirap ang buhay nilang mag-ina sa serye at puro simpleng damit ang suot sa taping.

Nami-miss na raw niyang magbihis, kaya tomodo ang bihis sa presscon ng Alakdana na mapapanood na simula January 24, after Eat…Bulaga. Pagbigyan na raw siya ng press sa suot na labas ang cleavage dahil matagal na siyang hindi nakakapag-ayos ng husto.

Parang gumagawa ng pelikula si Jean sa hirap na pinagdadaanan sa taping, gaya nang madalas siyang bugbugin ni Michael Rivero. ‘Pag ganun na ang mga eksena niya, naiisip daw niyang balik na lang siya sa pagiging kontrabida dahil hindi siya nasasaktan at siya ang nananakit.

Okey naman ang taping nina Jean sa Boso-Boso, Antipolo. Ang reklamo lang nito’y mara­ming ipis at daga sa location at madalas, nati-take two siya dahil hindi mapigilang sumigaw ‘pag nakakita ng ipis at daga.

ALAKDANA

ANGELICA PANGANIBAN

BANGS GARCIA

BULONG

CHITO RO

JEAN GARCIA

MICHAEL RIVERO

SIYA

STAR CI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with