Jewel umaming sila pa ni Richard
Kaloka oras palang hindi siputin ni Baron Geisler ang hearing ng kaso nila ni Yasmien Kurdi sa Bocaue Municipal Trial Court ngayong araw, aarestuhin na siya. Ilang beses na raw kasing hindi sinisipot ng aktor na may panibagong kaso ng kamanyakan ang nasabing demanda ni Yasmien laban sa kanya kaya binigyan na siya ng ultimatum ng korte.
* * *
Paliguy-ligoy ang sagot ni Jewel Mische tungkol sa totoong relasyon nila ni Richard Gutierrez. Pero sa bandang huli, lumabas na sila pa rin ng aktor at mahigit tatlong taon na ang kanilang relasyon.
“Alam n’yo po, for the past three years, I kept silent about Richard and it will remain the same right now. I’ll be quiet,” sabi niya after the presscon ng Buhawi Jack kung saan leading lady siya ni Gerald Anderson na parang sinadyang solohin na niya ang pagpapa-interview after the presscon dahil umalis agad si Gerald dahil may shooting pa siya para sa pelikula nila ni Sarah Geronimo.
Nang tanungin si Jewel kung kailan ba sila nag-break ng aktor, makahulugan ang sagot niya : “Talaga? Nag-break? Ah, okay.”
Dahil sa sagot niyang ‘yun, hindi na siya tinantanan ng mga nagi-interview sa kanya.
“I don’t see any good reason to talk about us right now, lalo na he has a project with different girls, I have a project here in ABS-CBN.”
Pero ano ba talaga?
“Oh well, to make it more interesting, has anybody claimed me to be his girlfriend? Lalaki po ang nagke-claim, hindi babae,” sabi niya sabay pahabol niyang parang hindi naman nagdi-deny si Richard tungkol sa kanila.
“Whatever is happening, Richard won’t do anything without my approval, without you know, settling things with me, without talking to me, he won’t do that, he won’t be rude to do that to me. So, what I’m trying to say is, kung anuman po ’yung nangyari, kung anuman po ’yung ngayon, kaming dalawa ’yung nagkakaintindihan doon,” sagot na obvious na sila pa nga at sinabi pa niyang may communication sila.
“My love life is alive,” dagdag niya.
Si Richard ang first boyfriend niya at sinabi niyang naging faithful siya sa aktor at ganundin din siya bilang girlfriend nito.
Very supportive din daw ito sa naging desisyon niya na maging Kapamilya.
So sila pa nga.
Anyway, abangan ang Buhawi Jack sa direksiyon ni Dondon Santos ngayong Sabado, January 22, sa primetime ng ABS-CBN, pagkatapos ng TV Patrol Sabado.
- Latest