Bading na role ni Regine ginaya sa Hollywood film?
Kahapon ang presscon ng Buhawi Jack at nag-enjoy ang aking inaanak na si Rap Fernandez sa pakikipagkuwentuhan sa entertainment writers.
Ang presscon ng Buhawi Jack ang kauna-unahang presscon na dinaluhan ni Rap pero hindi naman siya masyadong kinabahan dahil alam niya na mga kaibigan ang mga reporter.
Hindi stranger si Rap sa pakikihalubilo sa press people dahil maraming kaibigan na reporter ang kanyang mga magulang na sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.
Hindi showbiz ang ugali ng aking inaanak kaya na-win niya ang paghanga ng showbiz press dahil sa kanyang mga honest answer.
* * *
Type rin ng mga reporter ang walang halong pang-eeklay na mga sagot ni Ritchie Paul Gutierrez sa presscon ng Alakdana.
Pareho ng ugali sina Rap at Ritchie Paul. Sinasagot nila ng diretso ang mga tanong as in hindi sila paliguy-ligoy.
Remember, si Ritchie Paul ang nagbuko noon tungkol sa relasyon nina Jewel Mische at Richard Gutierrez sa presscon ng Pilyang Kerubin?
Hindi binawi ni Ritchie Paul ang kanyang mga sinabi dahil ‘yon ang totoo pero in fairness sa kanyang kapatid na si Richard, never na nag-deny ito tungkol sa relasyon ni Jewel at iginalang ng mga entertainment press ang privacy niya.
Mapapanood si Ritchie Paul sa Alakdana, ang panghapon na programa ng GMA 7 na magsisimula sa darating na Lunes, January 24.
* * *
Belated happy birthday kay Sandy Andolong noong Jan. 16. Nag-celebrate si Sandy ng birthday sa piling ng kanyang pamilya sa Bauan, Batangas noong Linggo.
Pero nagkita-kita sila nina Lorna, Ali Sotto, at Gina Alajar sa farm nina LT at Telly Acuba sa Cavite noong bisperas ng kanyang birthday.
More projects at good health ang birthday wish ko kay Sandy na wala na yatang mahihiling pa dahil biniyayaan siya ng Diyos ng mga mabubuting kaibigan, pamilya, asawa, at anak.
Hindi nawawalan si Sandy ng mga TV shows. Malapit na siyang mapanood sa Mutya, ang bagong TV show ng ABS-CBN tungkol sa isang batang sirena.
Kasama ni Sandy sa Mutya sina Alfred Vargas, Lara Quigaman, at ang ibang stars ng Kapamilya.
* * *
May comment ang reader na si Dante ([email protected]) sa column item ko kahapon na may kinalaman sa coming soon primetime show ni Regine Velasquez sa GMA 7: “Yung sinasabi mo tungkol sa TV series ni Regine na I Heart You Pare na may nagsabi sa ’yo na parang napanood na niya sa pelikula ang plot, tama siya.
“The film is Connie and Carla starring Nia Vardalos (of My Big Fat Greek Wedding) and Toni Colette (of Little Miss Sunshine) where Connie and Carla are real girls na napadpad sa isang transvestite club para magtago dahil naka-witness sila ng crime.
“Being real singers, nag-apply sila sa club posing as transvestites. While under disguise, na-fall si Connie sa isang binata (played by David Duchovny) who cannot return the love dahil akala ni lalaki, transvestite nga si Connie.”
Malapit na ang grand press launch ng I Heart You Pare at tiyak na may sagot si Regine sa comparison sa kanyang TV series at sa pelikula ni Nia.
Hindi idine-deny ni Regine na tungkol sa mga bading ang kuwento ng TV series nila ni Dingdong Dantes dahil siya pa ang nagsasabi sa mga TV interviews na baklang-bakla ang kanyang bagong show sa GMA 7.
- Latest