Annabelle Rama at Ruffa may sariling reality show na!
Tuloy ang Bali trip ni Kris Aquino, pero mas napaaga at hindi na sa February 15. Sa Sunday, January 23 na ang alis nito at mag-i-stay ‘dun hanggang Jan. 26. Hindi lang kami sure kung kasama pa ring aalis ng TV host-actress si Liz Uy, gaya nang kanilang plano.
* * *
Isa sa pina-plug na new afternoon soap ng GMA 7 ang Nita Negrita, pero hindi pa sinasabi kung sino sa Kapuso talent ang magbibida. Ang nadinig namin, kabilang sa pinagpipilian sina Bea Binene at Joyce Ching at suwerte ng dalawa kung sa isa sa kanila nga mabibigay ang project.
Ang mapipiling bida sa Nita Negrita ay isusunod ng GMA 7 kay Louise delos Reyes na una nang ini-launch sa Alakdana. Saang aspeto kaya ibabatay ng istasyon ang pagpili kung kanino ibibigay ang project?
Sa fans nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, hindi raw nakakalimutan ng network ang magka-love team. Sila pa rin ang pinakabida sa Reel Love Presents... Tween Hearts at nauna na silang na-launch sa Pilyang Kerubin.
* * *
Mawawala sa Reel Love Presents…Tween Hearts si Louise delos Reyes para makapag-concentrate sa Alakdana, ang launching afternoon soap niya sa GMA 7 na magsisimula sa January 24.
Honored ang young actress na kahit bago pa lang siya sa Channel 7 ay pinagkatiwalaan na ng solo project, kaya sobrang honored ito at nangakong gagawin ang lahat para magawa ng tama ang project.
Walang prosthetics, pero may buntot ng scorpion si Louise at dahil alam na kaparte ng karakter niyang si Adana ang scorpion tail, wala itong reklamo. Natutuwa ito dahil ngayon pa lang, Alakdana na ang tawag sa kanya ng tao.
Sa intrigang pinaboran siya ng Channel 7 dahil nauna siyang ini-launch kesa mga naunang talents, ngiti na lang ang sagot ni Louise.
* * *
Nasa showbiz na ang Gutierrez siblings at ang latest na aarte ay sina Rocky at Ritchie Paul. Si Rocky ay kasama sa cast ng Machete at si Ritchie Paul nama’y isa sa three leading men ni Louise delos Reyes sa Alakdana.
Malapit na ring magsimula ang taping ni Richard Gutierrez ng Captain Barbell at nagpo-promote ito ngayon ng My Valentine Girls. Si Raymond ay hosts ng Party Pilipinas at Showbiz Central at si Ruffa Gutierrez ay host ng Paparazzi at judge ng Talentadong Pinoy. Maglalagare nito si Annabelle Rama sa pagbisita sa taping ng mga show ng anak, paano na lang ‘pag nag-start ang reality show nila ni Ruffa?
- Latest