Party Pilipinas mash-up goes live in GMA and in Cebu city
Kakaibang party ang magaganap ngayong araw sa Party Pilipinas with high-powered mash-up performances sa pamamagitan ng big parties happening live sa GMA Studio at sa Cebu City para sa Sinulog Festival.
Sina Richard Gutierrez together with Raymond, Solenn Heussaff, Rhian Ramos and the Sayaw Pilipinas Crew - Enzo, Diva, Yassi, Winwyn and Sef ang magpapainit ng festivities down South. Diva also celebrates her special day together with her fellow Cebuanos in her hometown.
Babalik na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, first time after her much talked about wedding with Ogie Alcasid.
Kapuso lead actresses Glaiza de Castro, Carla Abellana and Heart Evangelista joined by Sarah Lahbati and Bianca King are set to excite everyone with the special mash-up of hits from the biggest international female artists such as Katy Perry, Kesha and Kylie Menogue.
Ang hottest teen pop groups XLR8 and Pop Girls together kasama ang mga teen idols na sina Jake Vargas, Julie Ann, Kylie, Ynna and Kris Bernal will make everyone sing and dance along with the best mash-up songs from Glee.
Ang mga diva naman ng PP na sina Kyla, Rachelle Ann and Jaya are all gearing up to surprise everyone with the best dance moves with the hits of Janet Jackson.
Ma-in love din kina Dennis, Geoff, Miguel, Janno and Jennylyn. This week’s most talked about young actor, Aljur “Machete” Abrenica is about to bring the temperature to its hottest point with a dance number together with his co-stars, Bela Padilla and Ryza Cenon.
Kaya tutukan na.
* * *
Sa pagbubukas ng tao’y kasabay nito ang pagbabago sa disenyo ng damit, ayos ng buhok at mga iba pang personal na palamuti sa katawan.
Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11 mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga ay panauhin ang mga sikat at magagaling na tulad nina Gerswin Qua, Jerome Sala-ang, David Baky at Kel Sampayan na magbibigay ng kani-kanilang forecast para sa daigdig ng mga fashionista.
Tutok lang din sa show dahil tampok ang mga artistang tulad nina Carla Abellana, Jake Cuenca, Marvin Agustin, Sam Pinto, Andi Eigenmann, Lani Mercado, John Lapus at Jolina Magdangal na magpapayo kung paano mapapalitaw ang ating angking kagandahan.
Mula sa celebrity stylist na si Zander Andan ay malalaman din na ’di kailangang gumasta nang malaki sa mga gamit at anu-ano ang dapat bilhin na magaan sa bulsa pero maganda naman ang mga ito.
Nagbabalik ang segment na Great Hair Day na inaabangan dahil free demo ito ng mga napapanahong ayos ng mukha at buhok. Ang host-producer mismong si Mader Ricky ang magbibigay ng make over sa ilang mapapalad na modelo.
Patikim lang ito ng mga makabuluhang pagtatanghal ng LSWGRR sa 2011 na produksiyon ng ScriptoVision na siya ring nasa likod ng mga Beauty School, Beauty School Plus at Parlor Games.
- Latest