^

PSN Showbiz

Ang daming gustong patayin, ilang fans nina Kim at Gerald, parang mga praning

- Ni SVA -

MANILA, Philippines –   Malaki na ang improvement ng Star Power Final 5.

Ang gaganda na nila at hindi na mukhang mga jologs kumpara nung mga nag-uumpisa pa lang sila.

Kung sabagay, todo ang suporta sa kanila ng programa particular na ang host ng talent search na si Ms. Sharon Cuneta.

Bukod sa pinagaganda talaga sila, say ng limang contestant, sobra-sobra ang pagmamahal sa kanila ng megastar at parang mga anak daw ang turing sa kanila.

Pakiramdam nina Akiko, ang Sweet and Sexy Siren; K-la, ang R&B Sweetheart; Monica, ang Charming Biritera; Angeline, ang Pop Belter; at Krissel ang Soulful Diva, Cuneta-Pangilinan na ang apel­yi­do nila dahil sa ipinakikitang pakikisama sa kanila ng Star Power host.

Anyway, ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K, magsisimula na ang Final Five sa kanilang paghahanda sa grand finals sa Pebrero 20, sa Ynares Center, Antipolo. Ilang Linggo na lang ang nalalabi para sa mga contenders, kaya’t mahalaga sa kanila ang bawat minuto. 

Nang magkaroon sila ng presscon, lahat gusto nilang manalo kaya dibdiban ang kanilang ginagawang ensayo.

Sa interview, ni-reveal nina Akiko, K-La, Monica, Angeline at Krissel ang kanilang mga sikreto para sa gaganaping grand showdown.

Si K-La na artistahin sa grupo ay handa nang harapin ang showbiz, manalo-matalo. “I think ready na po ako kasi alam ko po when you’re in showbiz, ang daming fans. I’m flattered when I see those who support me, even if you’re just standing there, parang ang feeling ko, I have an ability just to make them happy. If ever I will be a star and I have that ability to bring happiness to them, to inspire them I think I am definitely ready for that po.”

Inamin din niyang noong siya’y nasa Canada pa, makailang-ulit siyang sumubok na mapasok ang international music scene, pero naging mahirap. 

Kinailangang iwan ng R&B Sweetheart ang kanyang pamilya sa Canada upang makipagsapalaran sa Star Power.

Tingnan natin sa final showdown ng programa kung si K-La na nga ang papalarin na maging Star Power winner.

*    *    *

Speaking of Sharon, say ng isang source, big no no ang nangyaring pagkadulas nito sa magiging endorsement niya sa Marie France.

May mga ilan kasing lumabas na nagsabi na may koneksiyon sa pagda-diet niya ang nasabing aksidente eh magiging endorser pa naman siya ng nasabing kumpanya. Makakasira raw ‘yun sa kampanya.

*    *    *

Gawain na ng maysayad ang ginagawang imbentong e-mail ng mga nagpapakilalang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Hamakin mo ba namang papatayin daw nila sina Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Jewel Mische, Matteo Guidicelli at Bea Alonzo.

At hindi raw sila nagbibiro, seryoso raw silang patayin ang mga nabanggit na nakasama ng kanilang mga idolo.

Kaloka sila, parang mga praning.

*    *    *

Handa na sa intriga si Venus Raj. Say niya, emotionally ready na sila sa mga darating na intriga. At hindi pa rin nagbabago ang sinabi niya noon, sina Piolo Pascual at Coco Martin pa rin ang gusto niyang makasama sa trabaho ngayong kapamilya na siya.

vuukle comment

AKIKO

B SWEETHEART

BEA ALONZO

CHARMING BIRITERA

COCO MARTIN

FINAL FIVE

PIOLO PASCUAL

STAR POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with