^

PSN Showbiz

Dyowa nakakulong pa rin sa HK , Lovi malungkot sa Valentine's Day

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bagay kay Sarah Geronimo ang may bangs, pero para lang sa wala pang title na pelikula nila nina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli ang pagpapalagay niya ng bangs. Two days nang nakapag-shooting si Sarah ng movie na may March playdate sa direction ni Mae Cruz at wala pa silang eksena ng bagong leading man.

Ano ang feeling na natuloy ang pagtatambal nila ni Gerald sa movie?

“May paninibago at feeling ko, ako si Kim Chiu. Parang noong nagtambal kami ni Sam Milby, feeling ko ako si Anne Curtis. Sana good vibes na at wala na rin akong masyadong naririnig na isyu sa pagtatambal namin ni Gerald dahil nagtatrabaho lang kami.

“Ako, gusto ko si Gerald bilang tao dahil mahirap katrabaho ang ’di mo gusto at pareho kaming focused sa trabaho. Dasal kong maging successful ang movie namin nina Gerald at Matteo at maging successful din ang album ko.

Wala pa ring title ang ginagawang bagong album ni Sarah na all-original songs at ang carrier single ay ang Sino Nga Ba Siya? ni Vehnee Saturno.

Samantala, hindi pa nagre-rehearse sina Sarah at Martin Nievera para sa What Love Is concert nila sa Araneta Coliseum sa Feb. 12 dahil wala pa si Martin, pero tiniyak ni Sarah na magugustuhan ng mga tao ang repertoire nila na kasama ang lahat ng klase ng kanta at bagay for all ages.

Ano naman ang masasabi niya na ipinagtanggol siya nina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos noong time na may isyu sila ni Cristine Reyes?

“Nagpapasalamat ako at nagulat sa concern nila sa akin. Hindi na sila dapat nadamay at napakasuwerte ko na maging kaibigan sila,” sagot ng Pop Princess.

*    *    *

“You are one lucky man,” ang message ni Lovi Poe kay Richard Gutierrez dahil mahahalikan lahat ng aktor ang mga leading ladies sa Valentine movie niyang My Valentine Girls na showing nationwide sa Feb. 9.

Ang kissing scene nilang dalawa ay hindi pa nakukunan, pero alam nitong marami silang halikan sa first team-up nilang dalawa sa episode na BFF o Best Friend Forever sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Dream come true kay Lovi ang makatrabaho si Richard at nakuwento niya sa aktor na noong high school siya, naka-uniform sila ng kanyang classmates na pinapanood ang Valentine movie ng aktor at nga­yon, isa na siya sa kapareha nito.

Samantala, malungkot ang sagot ni Lovi na “I don’t know how to spend my Valentine’s Day. No plans,” nang tanungin kung paano siya magsi-celebrate ng Heart’s Day, nasa Hong Kong pa kasi ang boyfriend niyang si Rep. Ronald Singson.

*    *    *

Na-tweet ni Angelica Panganiban na last shooting day na nila ni Vhong Navarro ng horror movie ng Star Cinema na Bulong. Sa Monday na ang presscon ng movie sa direksiyon ni Chito Ro­ño na kinatatakutan na ang trailer.

Nanood kami ng Ang Tanging Ina Last Na ’To nang ipalabas ang trailer at talaga namang nagsigawan ang tao sa mga eksena ni Vhong. Sabi sa trailer, this January na ang showing nang nasabing pelikula.

*    *    *

Sa Reel Love Presents… Tween Hearts, muling makikita ni Jacob (Jake Vargas) ang ama sa isang gig sa Manila at papayuhan siya ni Belinda (Bea Binene) na magpakilala at susundin siya ni Jacob.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG TANGING INA LAST NA

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

ANO

ARANETA COLISEUM

BEA BINENE

BEST FRIEND FOREVER

CHITO RO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with