^

PSN Showbiz

Tradisyunal na larong kalsada mapapanood sa TP

-

MANILA, Philippines –  Ngayong Sabado sa special episode ng Anak-TV seal awardee na Tropang Potchi, bibida ang mga tradisyonal na Pinoy games!

Sa pakikipagtulungan ng programa sa Magna Kultura Foundation na nagtataguyod ng mga tradis­yonal na Filipino street games sa bansa, ginanap noong Enero 7 ang Palarong Potchi kung saan daan-daang estudyante sa Grade 4 at 5 sa Sto. Niño Elementary School sa Marikina ang nakisaya sa mga palaro kasama ang kanilang mga Kapotchi na sina Julian Trono, Ella Cruz, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Bianca Umali, at Lianne Valentino.

“Tropang Potchi is all about learning while ha­ving fun. Ang mga bata, natututo sila habang naglalaro - natututunan nila ang pagiging patas, pakikipagkaibigan, at pakikitungo sa kapwa,” sabi ni Ian Roxas, Program Manager ng Tropang Potchi .

“Our sponsor, Columbia, is keen on promo­ting traditional Pinoy games. Kaya naisipan naming mag-organize ng isang game day para sa school kids. Sa tulong na rin ng Magna Kultura, magandang pagkakataon ito para buhayin muli ang interes ng mga bata sa mga tradisyonal na larong Pinoy.”

Huwag palalampasin ang Palarong Potchi ngayong Sabado, January 15, 10:00 a.m, sa Q Channel 11! 

BIANCA UMALI

ELEMENTARY SCHOOL

ELLA CRUZ

IAN ROXAS

JULIAN TRONO

LIANNE VALENTINO

MAGNA KULTURA

PALARONG POTCHI

PINOY

TROPANG POTCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with