Hindi kuntento sa mga sinabi ng doktor, KC gusto pang paobserbahan si Sharon
Pagkatapos ng taping ni KC Concepcion kahapon for Star Circle Quest For The Next Kiddie Superstars ay dumiretso na siya sa airport para sa kanyang flight papuntang Uganda, Africa.
Pupunta si KC doon to fulfill her mission bilang ambassador against hunger ng United Nations World Food Program. “It’s my first time and naghintay ako ng three years bago mangyari. It’s a learning experience na the next time na may activity sa world food program alam natin ang difference nang nangyayari sa Pilipinas at sa ibang bansa. Siyempre fighting hunger is hindi lang sa atin kundi sa buong mundo,” bungad ni KC.
Samantala, marami ang nabahala sa nangyari kay Megastar Sharon Cuneta matapos itong isugod sa ospital pagkatapos ng kanyang birthday concert sa Araneta Coliseum last Tuesday. Nagbigay din ng update si KC tungkol sa kalagayan ng kanyang ina.
“Tinawagan ako ni dad, and he said we tested everything, all the tests, all clear. Sabi ng doctor exhaustion ’tapos tensed na tensed siya because every year, siyempre fourty five na siya, she wants na maganda ’yung show. ’Di nakatulong ’yung pagbagsak niya kasi siyempre kapag bumagsak ang tao, days after pa mararamdaman ’yung effect. So everyone’s saying it’s okay na pero for me bilang panganay na anak, I hope in the next few days obserbahan pa rin nila,” emosyonal na pahayag ni KC.
Gerald at Sarah kabado!
Noong Miyerkules ay pormal nang pumirma ng kontrata si Gerald Anderson para sa pelikulang pagsasamahan nila ng Pop Princess na si Sarah Geronimo. Siguradong mali-link ang dalawa dahil pareho silang single ngayon.
“Nagkataon na single kami, kumbaga mag-focus kami sa trabaho, sa movie. Siyempre gusto namin ay maganda ang kalabasan,” bungad ni Gerald.
Ngayon ay kabado ang Action Drama Prince dahil hindi na si Kim Chiu ang makakapareha niya sa pelikula. “May pressure pero tulad ng sinabi ko, lahat ng projects ay may pressure. Iba-iba lang pressure na binibigay sa ’yo, iba-ibang challenge pero nasa iyo lang kung paano mo i-handle,” dagdag pa ni Gerald.
Excited na rin si Sarah ngayon para sa project na pagsasamahan nila ni Gerald.
“We’re very excited, at siyempre excited na rin po kami na makita ito ng mga tao. Positive kami na basta good vibes lang talaga,” pahayag ni Sarah.
Patuloy pa rin na umaasa si Sarah na susuportahan ng Kimerald fans ang kanilang bagong teamup ni Gerald.
“Siguro naman ay maiintindihan ng supporters nila ’yun na trabaho lang,” pagtatapos pa ni Sarah.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest