^

PSN Showbiz

Kaya 'di makalantad na magkarelasyon, Piolo at KC may problema

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mukha ring okay naman sina KC Concepcion at Piolo Pascual, mukhang sila na nga. Bakit kaya sila hindi gumaya kina Cristine at Rayver at i-open na rin ang kanilang relasyon sa lahat?

Sa ganitong paraan lamang sila totoong magi­ging maligaya at tahimik. Napakahirap kasi ’yung nagtatago sila, eh wala naman silang dapat ipaglihim.

Okay naman silang dalawa at ang lahat ng mga tao who matter to them. Nagtakaka lang ako kung bakit they don’t want to come out in the open. May problema ba Piolo, KC?

Tum parang foreign ang dating

Totoo nga ang kuwento na interesting ang trailer ng Tum My Pledge of Love, ang movie na ginawa nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa India. Kung hindi ko pa nakita si Mariel, akala ko ay foreign film ang pinanonood ko. Ganun ang dating ng movie sa akin.

Halos hindi ko pa nakilala si Mariel dahil ibang-iba ang ayos niya, mukha talaga siyang Indian woman. Mabuti na lamang at biglang lumitaw sa eksena si Binoe, naalala kong bigla na may ginawa nga pala silang pelikula sa India. ’Yun ’yung Tum na ang ibig sabihin pala sa India ay ‘ikaw.’

Sa trailer, bakas na may pagka-aksiyon ito bagama’t with Mariel in the cast at nang ginawa ito ay so much in love silang dalawa, mahuhulaang isa rin itong love story.

Mapanood nga para makita ko kung okay na ring direktor si Robin. Kasama rin sa pelikula ang anak niyang si Queenie Padilla at ang ka-loveteam nitong si EJ Falcon na nakaliskisan na ni Robin nung una.

Heart hindi magiging masaya  dahil sa mga kaaway

Elated si Heart Evangelista sa interes na ipinakikita ng maraming tao sa kanyang seryeng Dwarfina. Maski nga ako, tuwang-tuwa sa special effects ng palabas na kung saan napakaliit tingnan ng character ni Heart at kasya lamang sa isang dollhouse na kilala at alam na alam ng maraming bata dahil meron laruang ganito.

Masuwerte na rin si Heart, magagandang projects ang naibibigay sa kanya ng Kapuso Network, ito ay sa kabila ng away nila ng kanyang manager na si Mama Annabelle Rama. I just wonder kung pinapahalagahan ng mga kakontrata niya ang anumang agreement with her ng walang sanction ang matriarka ng pamilya Gutierrez.

Sana ma-settle na nila ang differences nila para matahimik na silang lahat, dahil balita ko, pati ibang mga anak ni Mama Annabelle ka-join na rin sa away?

Heart can fully enjoy her success and even get a happy love life, kung walang iba pang problema siyang kinakaharap.

Cristine ini-enjoy si Rayver

Tama ’yung sinabi ni Cristine Reyes, mas enjoy ang kanyang lovelife ngayon, ang relasyon nila ni Rayver Cruz, dahil lantad na sila, hindi na sila nagtatago. Five months na ang relasyon nila pero kailan lang nila ito nagawang aminin.

Kitang-kita naman ang happiness niya sa aura niya ngayon. She looks positively blooming and very much in love at panay ang pagpapakita ng sing­sing na ibinigay sa kanya ng boyfriend niya. Mukha ngang nakakita na siya ngayon ng kanyang katapat.

Ang higit na nakakaligaya sa kanya ay boto sa binata ang kanyang buong pamilya. Mas ang bilin nila sa kanya na pag-ingatan ang kanilang relasyon at kampi sila sa binata.

ANNABELLE RAMA

CRISTINE

CRISTINE REYES

HEART EVANGELISTA

KAPUSO NETWORK

MAMA ANNABELLE

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

MUKHA

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with