Mga doktor idiniing pinatay si Michael Jackson
LOS ANGELES — Ayon sa isang eksperto sa forensics na tetestigo, mananagot pa rin ang doktor na tumulong magbigay ng gamot sa pasyenteng si Michael Jackson kahit ang King of Pop lang mismo ang may gusto.
Ito ang testimonya ni Dr. Christopher Rogers, hepe ng forensic medicine para sa Los Angeles County Coroner, na maaaring makasira sa plano ng mga defense lawyers ni Michael na ang claim nila ay ang singer mismo ang may kagagawan sa sariling pagkamatay nito. Hindi ang kliyente nilang si Dr. Conrad Murray, na doktor ng King of Pop at katabi noong nag-aagaw-buhay ito.
Dagdag pa ni Dr. Rogers, sa pagbibigay pa lang ni Dr. Murray ng malakas na panesthetic propofol ng walang pag-iingat ay isa nang kaso ng homicide.
Ang salaysay ni Dr. Rogers ay dumating noong ika-anim na araw ng preliminary hearing kung dapat pang tawagin sa korte si Dr. Murray para litisin sa kasong involuntary manslaughter sa pagkamatay ng pasyente noong June 2009 dahil sa drug overdose.
Ang involuntary manslaughter ay inilalarawan bilang “an unintentional killing without malice” na mas mababa ang sentensya nito kesa sa kasong pagpatay o murder.
Diin ng mga eksperto, ang pagkamatay ng pop singer ay homicide sa kadahilanang ginamit ang propofol ng doktor na nagpabaya sa pagbibigay nito sa pasyente.
Ang kahulugan naman ng homicide ay “killing of another person and encompasses everything from premeditated murder to involuntary manslaughter.”
“Based on the quality of the medical care, I would still call this a homicide even if the doctor did not administer the propofol to Mr. Jackson,” sabi ni Dr. Rogers. “The fact that there was propofol there in the first place — in other words, this is not a usual setting to administer propofol — and if there was propofol there, it was there to be administered to Mr. Jackson and so the doctor should be prepared for adverse effects.”
Ang preliminary hearing ay magaganap ngayong linggo at pagkatapos ay magdedesisyon ang hukom kung dapat bang tumayo si Dr. Murray sa korte para sa charge ng involuntary manslaughter.
Si Dr. Murray, isang cardiologist na kinuha ni Michael para sana sa kanyang pagbabalik-konsiyerto, ay nauna nang naglatag ng not guilty plea.
- Latest